Kim Domingo stands by boyfriend Mike Acuña amid his video scandal

IMAGE Courtesy: @therealmikeacuna on Instagram

Hindi nagbigay ng anumang reaksiyon si Kim Domingo tungkol sa video scandal ng boyfriend na si Mike Acuña. Sa halip, ipinakita pa niya rito ang suporta sa pamamagitan ng pagbiyahe nilang dalawa sa Japan. 


Bumiyahe patungong Japan kahapon, February 27, ang magkasintahang Kim Domingo at Michael "Mike" Acuña.

Hindi man sila nagpu-post sa Instagram ng larawang magkasama, kapansin-pansing pareho sila ng pinapasyalang lugar.

#shinjuku ????????

A post shared by Kim Domingo (@therealkimdomingo) on

Shinjuku boy ????????

A post shared by michael acuña (@therealmikeacuna) on

Nag-post din si Mike sa Instagram ng kuha nila sa airport kung saan magkahawak-kamay pa sila ng girlfriend.

Vacation ??????????

A post shared by michael acuña (@therealmikeacuna) on


Hindi man nag-react si Kim o nagbigay ng pahayag tungkol sa video scandal ng boyfriend, makikita sa larawang walang nagbago sa kanilang relasyon. 

Kagaya nga ng sinabi ni Mike sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang linggo, alam ni Kim ang video scandal niya bago pa man naging sila.

Noong 2009 pa raw kuha ang nasabing video, at pati pamilya niya ay alam din daw ito at nakasuporta sa kanya.

Diin pa ni Mike, wala naman mawawala sa kanya dahil lalaki siya.


Stories We Are Tracking

Alleged video scandal of Kim Domingo's BF surfaces online
Alleged video scandal of Kim Domingo's BF surfaces online
Kim Domingo's boyfriend Mike Acuña owns up to video scandal
Kim Domingo's boyfriend Mike Acuña owns up to video scandal


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN