Snooky Serna willing to sacrifice love life for her faith

IMAGE Noel Orsal

Snooky Serna: "Kung ang church ay papipiliin ako, na sundin ko yung banal na aral or go on in a relationship na hindi ko naman ka-same yoke… pipiliin ko yung faith ko."


Colorful ang love life ni Snooky Serna ngayon, ayon sa kanya mismo.

“Well, hindi naman ako nagpaka… naamin ko na, e, so I have to be  very consistent about it.

“He was the former vice governor of Bulacan, si Ramon Villarama,” banggit ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Tatlong taon na raw ang relasyon nila, “Pero twenty-eight years kaming magkaibigan.”

Handa na ba silang magpakasal?

Sagot ng 51-year-old actress, "Prayerfully, sana; actually, puwede na kasi annulled naman yung marriage ko, binata siya."

Dalawang beses ikinasal si Snooky: una, sa aktor na si Ricardo Cepeda, at pangalawa sa musikerong si Niño Mendoza.

Dalawa ang anak ng aktres kay Ricardo: sina Samantha, 25, at Sachi, 25.

Ayon kay Snooky, napag-uusapan naman na nila ni Ramon ang tungkol sa pagpapakasal.

“We touch on that, pero hindi pa talaga sineseryoso.

"Hindi pa talaga kami nagse-set ng date, hindi pa kami engaged.

“Kasi, I’ll be very honest, Iglesia Ni Cristo ako, siya Katoliko.

“I have nothing against the Catholic church, but then again, sa amin kasi, kailangan maakay ko siya.

“And he promised me naman na… he has nothing against Iglesia Ni Cristo.

“As a matter of fact, he admires and respects the religious organization, our religious organization or group.

“So, sabi niya nga, he doesn’t mind looking into it, magsuri siya.

"Iyon ang tawag namin sa Tagalog, magsuri siya, pagsusuri.

“Kumbaga, parang to observe and study or learn more about the religion, yung INC.”

LOVE OR RELIGION? Pitong taon nang miyembro ng Iglesia Ni Cristo si Snooky.

Halimbawang kakailanganin niyang mamili, ano ang pipillin niya: ang kanyang relihiyon o ang kanyang love life?

Tugon ng The One That Got Away actress, “I hope I don’t get to that point na papapiliin ako, but I’ll be very honest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m now being very candid… hindi ko pipiliin ang religion, kasi religion will not save me per se, but my faith in God.

“So, kung papapiliin ako, I’m being very literal about this, yun yung sagot ko.

“Pero kung ang church ay papipiliin ako, and this is what you meant, na sundin ko yung banal na aral or to go on in a relationship na hindi ko naman ka-same yoke…

“You have to be of the same yoke, pipiliin ko yung faith ko.

“I would rather say my faith, my belief.

"I would follow that rather than disobey, so I would have to sacrifice my love life.”

A LITTLE INSECURE. Maituturing nang isang veteran actress si Snooky bilang nagsimula siyang child star noong '70s.

Pero mayroon pa pala siyang insecurity pagdating sa kanyang showbiz career.

“Oo, lalo na kapag kasama ko si Direk Joel,” pakli niya.

Ang tinutukoy niya ay si Joel Lamangan na direktor ng recent movie na The Significant Other kung saan kasama sa cast si Snooky.

Sabi pa niya, "Yes, sobra! Nanginginig ako sa takot talaga.

“Kasi alam mo yung pagka-perfectionist niya, iba yung level ng prowess ni Direk, e.

“At saka I know his character; he can be very fiery and fierce.

“Pero, thank God, lagi naman niya akong pinagbibigyan.

“Binibigyan niya ako ng chance na makatrabaho ko siya.

“And it’s always a learning experience pag nakakasama ko si Direk.”

Ayon pa kay Snooky, nakakatulong din sa kanya ang pagkakaroon ng konting insecurities.

Aniya, “Maganda nga rin yung may takot ka pa rin, yung may insecurities ka pa rin.

“Kasi, personal feeling ko, pagka ang isang tao in any aspect of their lives masyado nang naging complacent, parang hindi ka na nag-i-improve, you just stay there, nagiging stagnant ka na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN