Gani Oro's partner arrested after Lolit Solis's complaint

IMAGE Instagram

Inaresto na ng mga awtoridad si Imee Santiago Oro, may-ari ng travel agency at partner ng broadcaster na si Gani Oro (kanang larawan), kaugnay ng reklamong panloloko sa talent manager na si Lolit Solis (kaliwa) at iba pang mga nabiktima nito.


Ikinatuwa ng talent manager na si Lolit Solis ang impormasyong ipinarating ngayon sa kanya ni David Oro, ang DZMM broadcaster na kapatid ng radio personality na si Gani Oro.

Si Gani ang karelasyon ng travel agent na si Imee Santiago Oro ng Las Vegas Travels and Tours.

Ilang araw nang inirereklamo ni Lolit ang panloloko na ginawa ni Imee sa kanya at sa mga kasama niyang nagbakasyon sa South Korea noong nakaraang Biyernes, February 23.

Nanlumo si Lolit at ang mga kasama nito nang dumating sila sa Ninoy Aquino International Airport dahil nalaman nilang fake plane tickets ang ibinigay sa kanila ni Imee at wala rin sila sa passengers list.

Nangako si Lolit na gagawin niya ang lahat para magkaroon ng hustisya ang kahihiyan na inabot nila ng kanyang mga kasama.

Ang aking horror story about Imee Oro ng Las Vegas Travels & Tours. Pang-9 times na ako nakakapunta sa Korea kaya siguro binigyan na ako ng 3 years multiple entry na visa. Sa travels ko, marami na akong na encounter na mga kagagahan pero hindi nga kasi ako mareklamong tao kaya kung ano ang nandiyan ok lang, lalo pa nga madalas ang mga travels ko gratis con amore , mga regalo at bigay ng mababait kong sponsors kaya kung ano ang nandiyan, tanggap ko . Merong libre kang tiket, pero makikitira kayo sa bahay ng kakilala. Meron naman ang liit lang ng budget kaya ok lang backpack hotel. Meron lucky ka at 5 stars all expenses paid, meron maganda na hotel, full board meal na meron pang baon. Pero first time ko maka-encounter ng isang unprofessional travel agent in the person of Imee Oro , to think na asawa daw siya ni Gani Oro. Naloka ako na all set na sasakay ka sa Air Asia kinabukasan, bigla sa eve ng pag-alis mo sasabihin niyang PAL na ang plane n’yo . Ok lang , pero pagdating mo sa airport hindi kayo naka booked at wala kayo sa passenger list. At malaman mo pa na habang nasa eroplano kayo, saka lang binabayaran iyon hotel na titirahan ninyo na supposedly bayad na. (May karugtong) #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore???? #horrorstory

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Pero ang mahirap hindi siya upfront sa dealing niya, wala pa akong na-encounter na isang travel agent na gumagawa ng sarili niyang istorya , and hindi ba ang isang travel agent dapat may word of honor dahil mostly sa honor system dumedepende ang business mo. Horror talaga ang naging experience ko kay Imee Oro at sa Las Vegas travel and tours , hindi ko pa na-encounter ang ganun klase ng treatment sa buong panahon na nagtra-travel ako. At dito ko lalong hinangaan ang pagiging cool ni Salve , all through out the ordeal kalmante siya, ginamit niya ang credit card niya para bayaran ang tiket sa counter dahil ayaw niyang mabigo si Vinia at Rose sa kanilang Seoul dream. Mabuti na lang at nandun si Lynette na binantayan ang booking sa Crown Itaewon , at ang height, si Marian Rivera na nagsabing huwag kaming ma-sad kahit siya na ang magbayad ng tiket namin. At si Alfred Vargas na nag-promise na tutulungan kami sa kaso namin kay Imee. Can you imagine , hiyain mo kaming apat sa airport na wala pala kaming booking , crazy. Sabi nga Sarah Duterte , you messed with the wrong woman , hay grabe , horror talaga. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore???? @marianrivera @alfredvargasofficial @salveasis

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Kaya nga payo ko kay Salve dapat laging maaga para lahat ng kailangan sa travel mo. Dapat hawak mo na tiket , voucher , transpo coupon o anuman kailangan. Hindi dapat late ang mga papeles , dahil habang maaga ma check kung mga valid ba mga binigay sa iyo documents. Imagine fake pala tiket ng Air Asia na binigay sa amin ni Imee Oro , hindi pa pala bayad ang hotel voucher , mali ang transfer coupon ng bus from hotel to airport , lahat fictitious dahil hindi pa bayad. How did Imee Oro travel agency got away with all this kapalpakan na according to her 12 years na ang operation ng kanyang agency ? Wala bang sanction sa mga ganitong operator lalo na sa panahong ito na pinasisigla natin tourism industry. hay naku , buti na lang cool sa Korea kaya naiwasan uminit ang ulo ko , thank you Mama Rams David na sobrang concern at panay tawag sa akin to check para hindi ako ma-high blood . Siguro isa pa ito sign na talagang putulin ko na Korean connection ko , naku ending na talaga. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore????

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Now ko naisip Salve, sa buhay ng tao para din eroplano, pinaka-delikado sa lahat ang take off at touch down. Di ba nga ang buhay, ang pinaghahandaan mo mabuti ay iyon maka-take off ka, iyon umangat ka? At napakasakit ng feeling of touching down , iyon bumaba ka sa kinalalagyan mo, hindi mo ba naisip Salve na habang nasa itaas ka, sa gitna ng ulap, parang tahimik ang lahat , except kong may turbulence, at duon ka nakaka-feel ng takot, at kampante ka na uli sa touch down, dahil alam mo na narating mo na ang ibaba . Parang life ‘di ba , you wanted to reach the top, meron hardship along the way , and the reality pag nasa baba ka na. Ganyan lang ang buhay , kahit umangat ka , bababa ka rin , so dapat ang acceptance, kuha mo Salve ? #instatalk #lolitkulit #70naako #jolitnomore???? @salveasis

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Ngayong Miyerkules ng hapon, Pebrero 28, nakatanggap ng mensahe si Lolit mula kay David Oro, sa pamamagitan ng Instagram, tungkol sa pagkakadakip kay Imee Santiago Oro.

Mensahe ni David, "Nalulungkot po ako sa ginawang panloloko sa inyo ng isang nagpakilalang Imee Oro.

"Unang-una, hindi po Oro ang tunay niyang apelyido kundi Santiago.

"Wala po siyang karapatan na gamitin ang Oro dahil kabit lang siya ng pasaway kong kapatid.

"Madami na pong niloko ang Imee Santiago na 'yan at matagal ko na pong hinikayat ang kaniyang mga biktima na magsampa ng kaso kaya may on going case siya sa korte.

"Hindi ko po kinukunsinti ang masamang gawain ng Imee Santiago na 'yan at galit ako sa pagtatanggol at pagtatakip sa kaniya ni Gani."

Patuloy ng Kapamilya broadcaster, "More than 30 years na po ako sa ABS-CBN at sa loob ng panahong iyan ay pinangalagaan ko ang aking kredibilidad at pangalang David Oro.

"Gusto ko pong idiin na bagaman parehas ang surname namin ay iba ang David sa Gani. Salamat po!"

Ayon pa kay David, "Ia-announce ko po itong statement ko sa mga show ko sa DZMM Teleradyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para po sa iba pang complainant, hinihikayat ko po na magtungo kayo ngayon at makipag-ugnayan kay Col. Rodel Marcelo, hepe ng CIDU-QCPD Camp Karingal kung saan nakakulong ngayon si Imee Santiago alyas Imee Oro.

"Nadakip na muli si Imee dahil sa isa pang warrant bunsod ng 9 counts ng BP22 na isinampa ng umano'y anak ng isang heneral na taga-Pandi, Bulacan."

Ayaw na raw ni David na makalabas pa ng kulungan si Imee para hindi na ito makapangloko ng ibang mga tao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN