Sunshine Cruz takes a swipe at Cesar Montano's sister: "Ano ba talaga gusto n'yo mangyari?"

IMAGE Noel Orsal / Facebook: Maria Mercedes

Hindi napigilan ni Sunshine Cruz ang sarili at niresbakan ang estranged sister-in-law na si Maria Mercedes "Ched" Manhilot Cantu dahil hindi pa rin daw sila tinatantanan nito ng kanyang mga anak kahit limang taon na silang hiwalay ni Cesar Montano. 


Binuweltahan ni Sunshine Cruz ang kanyang sister-in-law dahil sa hindi niya nagustuhang Facebook post nito.

Noon pang January 8, 2018 nag-post si Maria Mercedes "Ched" Manhilot Cantu, kapatid ng estranged husband ni Sunshine na si Cesar Montano, pero tila ngayon lang ito naipadala ng isang malapit kay Sunshine kaya ngayon lamang siya nakapag-react.

Sa nasabing post ni Ched, ipinakita niya ang larawan ng kapatid na aktor kasama ang mga anak nila ni Sunshine na sina Chesca, Angelina, at Samantha Montano.

Caption ni Ched, “TAKEN RECENTLY.”

Sinamahan niya ito ng emojis na tila nang-iismid.


“ANO BA TALAGA GUSTO NIYO MANGYARI?” Sa Facebook post ni Sunshine ngayong Miyerkules ng hapon, February 28, binalikan ng aktres ang kapatid ni Cesar tungkol sa post nito.

Bakit ayaw raw siyang lubayan ng mga kapatid ng estranged husband gayong limang taon na silang hiwalay ng aktor.

Sabi ni Sunshine, “Remember, the past will never be changed but it does not mean it never happened.

"Just be happy your brother is still allowed to see his children.

"Took him 2 years to see them after you and your other siblings also reacted negatively when kids saw him accidentally in resorts world.

"You can at least try to focus on being a good Christian. Puro bible verses pa man din ang Facebook mo pero kabaligtaran naman ang pinagagawa mo samin ng mga anak ko.

"5 years na ayaw nyo pa rin talaga lumubay. Nagpakalayo-layo na kami pero ayaw nyo talaga kami patahimikin. Ano ba talaga gusto nyo mangyari?"

Sa comments section, sunud-sunod na nagkomento ang tatlong dalagitang anak ni Sunshine na tila pang-aasar sa kanilang "Tita Ched."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN