Kristoffer Martin on wrong impressions of Marian Rivera: "Ang sarap ipagtanggol, kasi hindi naman talaga ganun."

IMAGE Noel Orsal

Kristoffer Martin recounts his first scene with Marian Rivera in a recently concluded Kapuso teleserye. "May eksena kami na sobra akong nag-i-stutter, as in kinakabahan nga ako…"


Inamin ni Kristoffer Martin na nagkamali siya ng impresiyon kay Marian Rivera nang makatrabaho niya ang aktres sa Super Ma’am, ang Kapuso prime time series na nagtapos noong Enero.

Paliwanag ng actor-singer, “Siyempre mai-intimidate, lalo na nung mga first scenes namin.

“Malay ko kung naalala pa ako ni Ate Yan nung Endless Love.

Ang Endless Love ay ang 2010 Filipino adaptation ng sikat na Koreanovela at pinagbidahan nina Marian at Dingdong Dantes.

Sina Kristoffer at Kathryn Bernardo ang gumanap bilang mga batang Dingdong at Marian.

Kuwento ni Kristoffer sa unang eksena nila ni Marian sa Super Ma’am, “May eksena kami na sobra akong nag-i-stutter, as in kinakabahan nga ako…

"Marian Rivera nasa harapan ko, kaeksena ko…

“Pero after nun, sobrang usap, sobrang dami ng kuwento.

"Tsaka andami ko na ring nakuwento kay Ate Yan.

“Siya rin, nagkukuwento, tsaka sobrang pamilya talaga. Sobrang ate, literal na ate siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer sa press conference para sa kanyang bagong music single, ang “Paulit-Ulit”, na ginanap sa GMA Compound noong Lunes, February 26.

WRONG IMPRESSION. Ayon sa 23-anyos na aktor, mali ang negatibong impresiyon ng ibang tao kay Marian dahil sa pagiging matapang nito.

“Yun nga yung nakakaano, na ang sarap ipagtanggol, kasi hindi naman talaga ganun, e.

“Kumbaga, si Ate Yan, yung taong kausapin mo kasi bago mo makilala.”

Hindi rin daw judgmental ang itinuturing na Kapuso Prime Time Queen kaya madali siyang nakapag-open up dito.

Saad ni Kristoffer, “Siguro ako yung mas may pinaka nasabi sa kanya na sobrang personal na hindi ko puwedeng sabihin.

“Pero si Ate Yan, hindi niya ako dyinudge dun sa sinabi ko.

“Sobrang suportado daw niya na andiyan lang daw siya, yun yung parang hindi ko makakalimutan.”

Kamakailan ay lumabas sa Instagram ang pagba-bonding ng cast ng Super Ma’am.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Kristoffer, para na silang isang pamilya.

Kuwento niya, “Nag-bond talaga kami, like, sobrang iba, sobrang iba yung pagmamahal ni Ate Yan sa mga tao.

“Sobra siyang mag-alaga, sobrang tropa, e.

“Yung nanay ka na, pero tropa ka, yun yung masarap na bonding kay Ate Yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN