Glaiza de Castro approves of Carlo Aquino for friend Angelica Panganiban

IMAGE Noel Orsal

Glaiza de Castro says she's happy that her close friend Angelica Panganiban has opened up and shared her experiences over heartbreak in a foreword for the book Para Kay Ex. Glaiza told PEP.ph, "Napa-proud ako na ginagawa niya ngayon. Slowly, ina-acknowledge na niya yung mga nangyari sa kanya at sine-share niya yun sa ibang tao para maging inspirasyon niya."


Kahit magkaiba ang TV network na kanilang pinagtatrabahuan, napapanatili nina Glaiza de Castro at Angelica Panganiban ang pagiging matalik na kaibigan.

Sa katunayan, si Glaiza ang kasama ni Angelica na nag-travel sa Bhutan noong brokenhearted ang Kapamilya actress dahil sa balitang pagkakamabutihan nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Ngayon ay nali-link muli si Angelica sa ex-boyfriend nitong si Carlo Aquino.

Bilang kaibigan, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza kung boto ba siya kay Carlo para kay Angelica.

Sagot ng Kapuso actress, “Oo naman!

"Sinabi ko naman na kung saan siya magiging masaya, i-enjoy niya na mahaba ang buhok niya, na marami ang nagpapahalaga sa kanya."

Napag-uusapan ba nila ang tungkol kay Carlo?

Ayon kay Glaiza, “Wala naman, ina-update niya lang ako.

"Kasi may mga nangyari kaya hindi na kami nagtatagpo ng schedule, yun lang.

"Pero wala pang details na sinasabi.”

Pero tiniyak ni Glaiza na naka-move on na si Angelica at masaya na ito sa buhay niya.

“Ay, masasabi ko na okay na okay siya!

“Lately nagkausap kami, minsan kasi nagshe-share kami ng mga napagdaanan namin for the past week, at parehas kaming masaya.

“Pare-parehas kaming masayang magkakaibigan to the point na nakakaiyak na yung saya namin."

Samantala, poud na proud naman si Glaiza sa librong Para Kay Ex na si Angelica ang sumulat ng foreword.

Saad ng Contessa actress, “Oo binasa ko yun at proud ako.

“Lahat yun sa kanya, lahat yun galing sa kanya, at napa-proud ako na ginagawa niya ngayon.

“Slowly, ina-acknowledge na niya yung mga nangyari sa kanya at sine-share niya yun sa ibang tao para maging inspirasyon niya.”

Si Glaiza ay isa ring singer, at si Angelica naman ay may production company kasama sina Sam Milby at John Prats.

Bukas daw ang Kapuso star na magkatrabaho sila ng kaibigang aktres.

Sabi niya, “Oo naman, masayang katrabaho ang mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi sa ngayon pero may mga future plans kami na sana matuloy.”

Nakausap namin si Glaiza sa announcement of nominees para sa MYX Music Awards 2018, na ginanap kahapon, February 28, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

KAPUSO AT ABS-CBN'S TURF. Isa si Glaiza sa mga nag-perform si Glaiza sa announcement of nominees for MYX Awards 2018, kung saan nominado rin siya sa ilang major categories.

Masaya ang actress-singer na nakatuntong siyang muli sa bakuran ng ABS-CBN, na pinagmulan niyang istasyon.

Aniya, “Well, it’s nice to see some familiar faces and, nakakatuwa, I’m still here.

“Nakakabalik pa rin ako nang walang mga issues.

“I’m thankful to MYX siyempre for recognizing my music."

Nominado si Glaiza sa mga kategoryang Music Video of the Year, Female Artist of the Year, at Song the Year.

Sabi pa niya, “Nakaka-legit, nakakatuwa, kasi I didn’t expect na may mga nominations ako.

“Akala ko magge-guest lang ako today.

“Parang mas nakaka-fulfill ngayon na gumawa ng mas marami pang kanta, mag-produce pa ng mga album dahil sa recongition na ito.

“Nakaka-overwhelm na nakikita mo ang pangalan mo na nakahilera kina Sarah Geronimo, KZ Tandingan, Moira...

“Parang, 'Wow, ha! In fairness sa 'yo, Glaiza.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN