Elisse Joson hints at love trouble with rumored BF McCoy de Leon

IMAGE Noel Orsal

Elisse Joson on going through a rough patch with rumored boyfriend McCoy de Leon: "Parang may mahirap na pinagdadaanan. Pero kahit matagal yung proseso, ngayon pa lang po namin natutunan na maging mature sa mga bagay-bagay, na may mga priorities and, along the way, we will be okay.


Inamin ni Elisse Joson, 22, na may pinagdadaanan silang problema ng rumored boyfriend niyang si McCoy de Leon, 23.

Hindi idinetalye ni Elisse kung ano mismo ang isyung hindi nila pinagkakasunduaan.

Pero tila may kinalaman ito sa kung paano nila binabalanse ang kanilang trabaho at personal na relasyon sa isa’t isa.

Pahayag ni Elisse, “Parang may mahirap na pinagdadaanan.

“Pero kahit matagal yung proseso, ngayon pa lang po namin natutunan na maging mature sa mga bagay-bagay, na may mga priorities, and along the way we will be okay.

“Yung communication, sobrang importante.”

Nakapanayam si Elisse sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay ngayong Huwebes, March 1.

May humahadlang ba sa kanilang relasyon?

Tugon ni Elisse, “Sa akin, I don't think it's because mahirap dahil may humaharang.

"It's more on between two people—nasa amin yun.

“We have to learn how to overcome everything, and I know it's a process.”

CRAZY FOR LOVE? Bago naghayag si Elisse ng saloobin tungkol sa estado ng relasyon nila ni McCoy, inamin ng dalaga na kamakailan lang ay naranasan niyang mabaliw sa pag-ibig.

Sabi niya, “Yung hindi mo na iisipin kung ano yung mangyayari, pero gagawin mo lang.

“Kumbaga, ibibigay mo gusto ng tao kahit na mahirap.”

Hindi malinaw kung si McCoy din ang tinutukoy ni Elisse sa kanyang pahayag.

Kung anu’t ano man, sinuguro ni Elisse na bukas ang komunikasyon sa pagitan nila ni McCoy.

Dagdag niya, “Sa akin kasi, you will learn more about each other from hardships, struggles, ganyan.”

REAL SCORE. November 2017 nang hindi sinasadyang tukuyin ni Elisse na “boyfriend” si McCoy.

Base ito sa guest appearance ng dalaga sa ABS-CBN weekly talk show na Gandang Gabi Vice, kung saan tinanong siya ni Vice Ganda kung nagkaroon siya ng “boyfriend na balbon.”

Sagot ni Elisse, “Si McCoy, balbon.”

"Oy, 'Nagkaroon ka na ba ng boyfriend na balbon?' Sabi mo, 'Si McCoy balbon.' Huli ka! Nasa dulo ng dila mo girl, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pilit na pinaamin ni Vice si Elisse na boyfriend na nito si McCoy, pero sadyang mailap ang dalaga.

Ang tanging sinabi ni Elisse ay hindi na niya kailangang tanungin kung mahal niya si McCoy dahil given na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN