Sam Milby answers the "very promo" question if he's attracted to Yassi Pressman

IMAGE Jojo Gabinete

Sam Milby on Yassi Pressman: "Yes, of course, na-attract ako sa kanya. Na-attract ako... And I even said before, kasi noong MMFF before, meron siyang ginawang movie, nakita ko siya sa awards night, crush ko siya."


Awkward na awkward ang pakiramdam at ang reaksiyon ni Sam Milby nang sagutin nito ang "very promo" na tanong kung hindi ba siya nagkaroon ng attraction kay Yassi Pressman.

Magkatambal sina Sam at Yassi sa Ang Pambansang Third Wheel, ang romantic-comedy movie ng Viva Films na magbubukas sa mga sinehan sa March 7.

Naiilang at natatawang sagot ng Fil-Am actor-singer, "Awkward! On the spot…

"On a personal level, in terms of Yassi, she’s my type.

"She’s beautiful, she’s goofy."

Hiwalay na si Sam sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Mari Jasmine, kaya malaya na itong makipagrelasyon sa iba.

Komento ng Kapamilya star, "You’re right, I’m single now, but I’m also just getting through a breakup, so parang ayoko nang…

"I am happy where I am now because I feel like I’m growing personally.

"I think I need to before getting to another relationship. I know that sounds very cliché, but it is true.

"I am happy where I am in my life right now, kasi yun ang ginagawa ko, a lot of personal growth."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Sam sa grand presscon ng Ang Pambansang Third Wheel, sa Le Reve Events Place, sa Sgt. Esguerra, Quezon City, ngayong Huwenes, March 1.

OPPOSITES ATTRACT. Paglalarawan naman ni Sam kay Yassi, "Medyo introvert ako so I can be quiet sometimes.

"Si Yas, opposite, extrovert. Sobrang goofy siya, and I like that.

"She’s not afraid just to be goofy, in the way na make pangit na mukha.

"Just full of energy. She loves to dance, dancer siya... She loves to sing, she sings all the time.

"Kahit madaling-araw, grabe ang energy niya!

"She really gives a lot of energy sa set."

Dagdag niya, "And, yes, of course, na-attract ako sa kanya. Na-attract ako...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I even said before, kasi noong MMFF before, meron siyang ginawang movie, nakita ko siya sa awards night, crush ko siya."

Sa haba ng mga pahayag ni Sam tungkol sa attraction sa kanya, direct to the point ang reaksiyon ni Yassi na “Hindi niya po yun sinabi sa akin, ever!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN