Sam Milby refuses to comment on Mark Bautista's coming out

Sam Milby doesn't feel the need to comment on rumors about his friends Piolo Pascual and Mark Bautista. Netizens have pointed to Piolo as the subject of one of Mark's confessions in his recently-released memoir. When asked, Sam said, "I'm not part of it so I should not give a comment."


Hangga’t maaari ay ayaw magkomento ni Sam Milby kaugnay ng paglabas ng libro ng kaibigan niyang si Mark Bautista, kung saan inamin ng huli na isa siyang bisexual.

Maliban dito, pilit ding inuugnay sa naging rebelasyon ni Mark ang isa pa nilang kaibigan na si Piolo Pascual.

Sina Sam, Mark, Piolo—kasama rin sina Christian Bautista at Erik Santos—ay naging bahagi ng Pop Icons, ang all-male group na nagpe-perform noon sa ABS-CBN musical variety show na ASAP.


Ang koneksiyon nilang ito ang dahilan kung bakit inusisa ng reporters si Sam sa pagka-come out ni Mark.

Ngunit maingat na pahayag ng Fil-Am actor-singer, “Ako, I’d rather not give a comment. I don’t know…

“I feel na, I don’t know… giving a comment would only make the issue bigger. 

“I’m not part of it, so I should not give a comment, I don’t know…”

Dagdag pa ni Sam, hindi porke’t kilala niya ang mga taong sangkot sa isang isyu ay kailangan na niyang magbigay ng komento o magtanggol sa kanila.

“If it’s a friend of mine that has an issue, it depends.

“Not in terms of this issue, ha, not this issue,” paglilinaw niya.

Ayon pa kay Sam, “Ako, when it comes to issue, there’s always an issue that would come up in showbiz.

“Pero walang proof, it’s always gonna be rumor, it’s always gonna be chismis.

“If you don’t have a proof, it’s hard to really say… there’s always gonna be chismis. That’s part of showbiz. 

“So, when it comes to close friends and they have this issue na walang katotohanan talaga, parang nakakaawa na nakakainis din.

“Ang daming isyu na walang katotohanan pero ang daming naniniwala.

“With my issue before, I find it kinda funny. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just funny that so many people believe with what they hear, even if there’s no truth at all.

“Siguro you have to understand that it’s part of showbiz also, not pertaining to that issue.”

Ang tinutukoy marahil ni Sam ay ang dati niyang isyu kung saan kinukuwestiyon ang kanyang pagkalalaki.

“We don’t really talk that much,” pakli ni Sam.

“The times that we see each other, nung ASAP dati, pero hindi na ako nag-a-ASAP.

“And then, mga times na nagkikita kami, because we’re the same handlers, sa Star Magic, we’re both artists of Tita Lulu [Romero], our handler.”

Magkasama rin sa isang Bible group sina Sam at Mark.

Nagulat ba siya sa pag-amin ni Mark?

“Yeah, we’re part of the Bible study, but I’d rather not comment about the issue,” pag-iwas na ni Sam.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa presscon ng pelikula ni Yassi Pressman, Ang Pambansang Third Wheel, ngayong Huwebes, March 1.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN