Neri Naig denies soliciting money to send kids to school

IMAGE Instagram

Neri Naig: "Wala po akong hinihinging pera at hindi po ako nagsasabi na magpadala kayo ng pera sa bangko. Wag po kayong maniwala kung may mag-message sa inyo na kunwari staff ko o teachers sa mga school."


Nanawagan si Neri Naig sa kanyang followers at fans sa Instagram kaugnay sa paggamit umano ng kanyang pangalan ng isang tao upang makahingi ng pera para sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga bata.

Naka-post sa Instagram wall ng misis ng Parokya Ni Edgar lead vocalist na si Chito Miranda ang dalawang screenshot messages na humihingi ng donasyon para sa mga bata.

Ibinigay pa ng taong nagmensahe ang account number ng isang bangko na siyang paghuhulugan ng mga donasyon o kaya ay magkita na lang sila ng sinumang magdu-donate sa Tagaytay.

Sa taas ng ikalawang screenshot ng buong message, nakasulat ang pangalang “Luz Manalac.”

Mariing itinanggi ni Neri sa caption na nanghihingi siya ng pera sa kahit na sino bilang donasyon sa pag-aaral ng mga bata.

Mensahe ng dating aktres, “Beware Po! Ang daming manloloko talaga!

“Wala po akong hinihinging pera at hindi po ako nagsasabi na magpadala kayo ng pera sa bangko. 

“Wag po kayong maniwala kung may mag-message sa inyo na kunwari staff ko o teachers sa mga school. 

"Marami manloloko.”

Binalaan din ni Neri ang kanyang followers na huwag kumagat sa mga gumagamit ng ibang pangalan para manloko.

“Huwag magpaloko sa mga taong magnanakaw.

“Pang-aral ng mga bata eh, nanakawin nyo pa. Magtrabaho kaya kayo noh?”

Ibinigay pa ni Neri ang email address niya para siya mismo ang makausap ng kanyang followers.

“Eto po ang e-mail add ko kung saan ako p mismo ang makakausap nyo wearesmallchange@yahoo.com pakidouble check din po ang mga mag-e-email sa inyo lalo na ang mga tao sa ibang bansa baka hingan kayo ng kung anu-ano.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN