Jericho Rosales rants about worsening traffic and pollution in Metro Manila

IMAGE Noel Orsal

Jericho Rosales on his observation about the traffic situation in Metro Manila: "Halimaw na trapik na nagpapabago ng ugali ng mga Pilipino. Bwakawan at garapalan na sa kalsada. Sigawan na umaabot pa sa umangan at ambaan. Minsan sa malungkot pa na katapusan."


Kung hindi masosolusyunan ang palala nang palalang problema sa trapiko at polusyon sa Metro Manila, mas nanaisin ni Jericho Rosales na manirahan na lamang sa probinsiya.

Sa pamamagitan ng Facebook post niya kahapon, March 1, naghayag ng hinaing ang aktor tungkol sa paglala ng trapik at dami ng mga sasakyan sa kalsada.

Dahil daw sa dami ng mga sasakyan sa kalye ay sumulpot na ang iba't ibang problema at pati na pagbabago ng ugali ng mga tao.

Mensahe ni Jericho, "Sa araw araw na pagmomotor at maneho ko, isa lang ang malungkot na tanong ko—bakit tayo umabot sa ganito?

"Halimaw na trapik na nagpapabago ng ugali ng mga Pilipino. Bwakawan at garapalan na sa kalsada.

"Sigawan na umaabot pa sa umangan at ambaan. Minsan sa malungkot pa na katapusan."

Ayon pa sa aktor, kahit sino ngayon ay puwede nang makabili ng motor at auto, ngunit hindi naman alam ang kaakibat na responsibilidad nito.

“Ngayong madali na ang magkasasakyan at kaya na bumili ng Pinoy oto at motor, ano na?

“Mukha na ba tayong maginhawa sa buhay? Maginhawa nga ba kinahantungan?

“Nauna na ang porma at ‘status symbol’ bago ang karunungan at kaalaman. Deadma na sa seminar at ‘classroom lecture.’

“Basta may pang-down o pambili ka, puwede ka na sa kalsada. Sagasaan mo na at iwasan o ipagwalang bahala lahat ng mahalaga para magmaneho sa kalsada.”

Pinuna rin ni Jericho ang pagdumi ng hangin sa lungsod, kasunod ng pag-iisip na mas mabuting tumira na lamang sa probinsiya.

Saad ng 38-year-old actor, “Ang dumi ng hangin natin. 

“Ilan taon lang ang lumipas mula nang mas umunlad tayo, mas malala na rin sinisinghot natin.

“Yung mga kapwa ko na dating taga-probinsya at yung mga nasa probinsya, gusto nyo pa ba sa Maynila?

“Para sa akin, pag kaya ko na, babalik ako sa probinsya. Nariyan ang tunay na ginhawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dito sa Maynila, puro labanan na di naman mahalaga.”

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, nanawagan si Jericho na mag-isip-isip nang tama ang mga tao sa sitwasyon ngayon ng bansa.

“Kalusugan ng isip, katawan at kalidad ng buhay ang nakataya.

“Kap, simulan mo na ang magtanong ng tama. Magka-tapang ka sana magtanong ng tama.

“Ang dami kong tanong at ideya para sa atin pero sa ngayon ito na lang muna…

“Ano ba talaga ang problema ng mga Pilipino at bakit tayo ganito?”

Sinamahan pa niya ito ng hashtags na "#kakaparadakolangkayamayangstpako
#bawasototayo #tamanamunapagpasokngmgakotseatmotor"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN