Jovit Baldivino hits netizen criticizing his looks: "Inaano ka ba ng hitsura ko?!"

IMAGE Instagram @jovitbaldivino

Jovit Baldivino to netizen criticizing his looks: "Ano bang masama na ginawa ko sa 'yo? Kung makapagsalita ka ng gago akala mo naman pakain mo ako?!"


Hindi nagustuhan ni Jovit Baldivino, 24, ang diumano’y panglalait at pagmumura sa kanya ng isang netizen sa social media.

Nagkomento ang netizen sa Instagram post ng first Pinoy Got Talent winner halos kasabay ng balitang engaged na ang ex-girlfriend niyang si Shara Chavez.


Stories We Are Tracking

Jovit Baldivino's ex-girlfriend gets engaged on V-Day
Jovit Baldivino's ex-girlfriend gets engaged on V-Day

Ngunit at press time ay burado na ang comment ng netizen sa Instagram account ni Jovit, at tanging ang pahayag ng singer ang makikita roon.

Sabi ni Jovit, “@ayamarie_ maam dahan dahan ka sa mga sinasabi mo, unang una hindi kita kilala. Kaano-ano ba kita? Pinakakain mo ba ako?

“Ano bang masama na ginawa ko sa 'yo? Kung makapagsalita ka ng gago akala mo naman pakain mo ako?!

“Hindi ko naman sinasabi na gwapo ako, inaano ka ba ng itsura ko?!"

Patutsada pa ni Jovit sa ibang netizens na nambabatikos sa kanya, “Wag ka nang sumabay sa alon, gagaya ka pa sa kanila, tsssk. pero Godbless pa din te.”


Ang ex-girlfriend ni Jovit na si Shara ay naghayag ng diumano’y pambababae ng singer noong June 2017.


Stories We Are Tracking

Jovit Baldivino caught by his girlfriend with another girl
Jovit Baldivino caught by his girlfriend with another girl
Jovit Baldivino reacts to charges of being a cheat
Jovit Baldivino reacts to charges of being a cheat

Sina Jovit at Shara ay may isang taong gulang na anak.

Bunsod marahil ng kontrobersiyang kinasangkutan ng magkasintahan noon ay may mga netizen ang napa-react ngayong masaya na muli sa buhay pag-ibig si Shara.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN