Sharon Cuneta tells netizens not to put malice on her posts: "Minsan a quote is just a quote."

IMAGE Noel Orsal

Sharon Cuneta reminds netizens not to put malice on the quotes she shares on social media. "Minsan a quote is just a quote."


Pinaalalahanan ni Sharon Cuneta ang netizens na huwag masyadong bigyan ng malisya ang quotes na ipinu-post niya sa social media.

Nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod ang pag-post ng Megastar ng quotes via Instagram.

Sa isa sa mga post niya, may ilang netizens ang nag-react.

Saad ng quote na ipinost kamakalawa ni Sharon mula sa author na si Kahlil Gibran: “Travel and tell no one, live a true love story and tell no one, live happily and tell no one, people ruin beautiful things.”

Isang netizen ang nagtanong kung ang “people ruin beautiful things” ba na tinutukoy ni Sharon ay ang Sharonians, ang fans ng singer-actress.


Sumagot ang Megastar.

Pahayag niya, “minsan huwag sana pepersonalin masyado ang quotes. Di ko naman kasalanan pag tinatamaan ng mali.

"Chill lang po tayo. Take what is beautiful. Good vibes lang dito walang nega."


Sa pareho ring quote, may isa pang netizen ang nagkomento at pinayuhan si Sharon na kung mabuti naman ang kanyang intensiyon at ginagawa, wala siyang dapat itago.


Paalala muli ng Megastar, “Pero minsan a quote is just a quote.”

Nagkomento rin siya tungkol sa pagkakaroon ng privacy.

“And lahat tayo may right to privacy. Wala rin namang may karapatang makialam sa buhay ng may buhay lalo kung gusto lang mangchismis.

"Si Lord lang ang may karapatang humusga o mangealam huwag tayong talo lang. God bless."


Malaman din ang ginawang biro ni Sharon dahil sa mga negatibong komento sa kanyang post.

Aniya, “And from now on nga because of some comments here I will talagang tell no one nothing anything anytime!

"Ayan. Sa Sharonians kayo magpaliwanag wala akong kasalanan. Hahahahaha! Joke."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN