Rocco Nacino in a relationship with pro volleyball player Melissa Gohing?

IMAGE Instagram / Sam Navalta

May bago na raw nagpapatibok sa puso ni Rocco Nacino, ayon sa mga netizen na nagkomento sa larawang naka-post sa Instagram kung saan katabi ng Kapuso actor ang volleyball player na si Melissa Gohing. 


May bago na bang girlfriend si Rocco Nacino?

Sa Instagram ngayong Biyernes, March 2, may nag-tag sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng larawan ng Kapuso actor kasama ang isang non-showbiz girl.

Inusisa namin ang nag-tag sa amin ng nasabing larawan.

Sinabi nitong ang katabing babae ni Rocco ay si Melissa Gohing.

Why throw shade when you can shed light? @adidasph #GohingToTravel

A post shared by Melissa Gohing (@gohingmelissa) on

Sino ba si Melissa?

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP.ph, si Melissa ay dating miyembro ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers.

Bahagi siya ng koponang nag-uwing apat na championship titles.

Napanalunan niya ang UAAP (University Athletic Association of the Philippines) Season 71 Rookie of the Year award.

Sa ngayon, si Melissa ay naglalaro para sa Creamline Cool Smashers team ng 2018 Premier Volleyball League (PVL).

Ang kanya raw posisyon ay libero o isang defensive specialist para sa isang volleyball team.

Napag-alaman din ng PEP.ph na ang nasabing larawan, kung saan magkasama sina Rocco at Melissa, ay kuha sa reception ng kasal ng volleyball star na si Cha Cha Cruz kay Ray Behag sa Tagaytay, noong Miyerkules, February 28.

Sa mga komento sa post, may nagsasabing matagal na diumanong may relasyon sina Rocco at Melissa.


Hiningan ng PEP.ph ng reaksiyon si Rocco tungkol dito, ngunit wala pa itong tugon sa aming mensahe.

NON-SHOWBIZ RELATIONSHIP? Mula nang pumasok siya sa showbiz noong 2010, pagkatapos sumali sa reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck V, tatlong showbiz personalities ang napabalitang nakarelasyon ni Rocco.

Una ay ang kapwa niya StarStruck alumna na si Sheena Halili.

Ayon sa mga balita, nagtapoas ang relasyon nina Rocco at Sheena noong unang bahagi ng 2013.

Sumunod dito ang high-profile relationship ng aktor sa Kapuso actress na si Lovi Poe, na nagtapos noong 2016.


Stories We Are Tracking

Rocco Nacino finally admits breakup with Lovi Poe
Rocco Nacino finally admits breakup with Lovi Poe

Kasunod nito, nagkaroon ng short-lived romance ang Kapuso hunk sa Ika-6 Na Utos actress na si Arriane Bautista.

Inabot lamang ng buwan ang relasyon nilang dalawa dahil, ayon mismo kay Rocco, hindi pa siya handa sa commitment noong panahong yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Rocco Nacino admits short-lived romance with Arianne
Rocco Nacino admits short-lived romance with Arianne

Na-link din ang aktor kay Sanya Lopez, na nakapareha niya sa mga teleseryeng Encantadia at Haplos.

Ngunit walang namagitan sa kanila higit pa sa pagiging magkaibigan.

Kung saka-sakaling totoo ngang may relasyon sila ni Melissa, ito ang unang pagkakataong nagkaroon ng non-showbiz girlfriend si Rocco mula nang mag-artista siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN