Neil Ryan Sese moves up to leading-man status; pitted against Robin Padilla, Richard Yap

IMAGE Noel Orsal

Neil Ryan Sese says his wife is his number one supporter, so being paired with Camille Prats will not be a problem. "Siya pa nga yung mas excited nung in-offer sa akin yung project na 'to," he adds.


Matinding pressure daw ang nararamdaman ni Neil Ryan Sese sa bago niyang teleserye sa GMA-7, ang Ang Forever Ko'y Ikaw.

Katambal niya sa daytime drama na ito si Camille Prats.

Bukod sa ito ang kauna-unahan niyang leading-man role sa isang teleserye, makakatapat din ni Neil sina Robin Padilla at Richard Yap.

Sina Robin at Richard naman ang leading men ni Jodi Sta. Maria sa Sana Dalawa ang Puso Ko ng ABS-CBN.

Pahayag ng Kapuso actor, “Nakaka-pressure kasi Robin Padilla na yun, di ba?

“Isa lang naman akong Neil Sese.

“Ako, nagpapasalamat ako sa network, sa GMA, sa sobrang laki ng tiwala na ibinigay sa akin para ibigay ang project na ito o isugal.

“Alam naman natin na lahat ng ginagawa ko ay puro kontrabida, character roles.

“Ito yung first romantic lead na gagawin ko sa buhay ko, kilig-kiligan pa.”

Hindi raw ito inaasahan ni Neil, na kadalasan ay makikitang gumaganap na bad guy sa mga teleserye, kagaya na lamang sa nagwakas nang Super Ma'am.

Pahayag niya, “Never in my life na naisip ko 'to.

“Sabi ko nga sa set... May mga tattoo kasi ako na kailangang tanggalin sa scenes.

“Sabi ko, 'Sorry talaga. Kasi hindi ko nai-imagine na magiging ganito yung role ko, e.'

“Kasi, kapag kontrabida naman, okay naman ang may tattoo, di ba? Hindi ko talaga naisip.”

Pero isa raw ito sa kanyang maipagmamalaki dahil, “Ito yung project na walang kinidnap, walang mamamatay, walang mawawalang anak, wala.

“Kaya sobrang nakaka-proud na, for the first time in life, gumawa ako ng ganitong project, bida pa ako, 'tapos feel-good pa yung show.”

ON BEING A MATINEE IDOL. Kung sakali, handa na rin ba siyang madagdagan pa ang kanyang mga tagahanga?

Tugon ni Neil, “Package deal na yun, kasama na sa trabaho ko yun.

“Alam mo yun, yung every day ka nila mapapanood, akala nila ka-close ka na nila, akala nila pagmamay-ari ka na nila, kasi every day ka nila nakikita, e, every day tayo nagkakasalubong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya maging isyu sa kanyang misis ito, pati na ang pagtatambal nila ni Camille?

Pahayag niya, “Siyempre, yung misis ko ay all-out support naman 'yan ever since.

“At saka kaibigan kasi namin si Camille, so walang problema.

“Siya pa nga yung mas excited nung in-offer sa akin yung project na 'to.

“Siya pa yung unang natuwa kasi, noong una, nape-pressure pa ako.

“Ngayon ko lang na-embrace yung project.

“Pero noong una, 'Kaya ko ba 'to? Sigurado ba kayo?'

"Bago lahat sa akin, e."

Aminado ang aktor na hindi naging madali ang unang sabak niya sa proyektong ito.

“Noong una, mas mahirap, kasi nga parang character roles ang ginagawa ko, so parang plakado ko na yun, e, kung papaano ang gagawin.

“Ito, lahat bago para sa akin, buti na lang nag-workshop kami, malaki ang naitulong,” sabi ni Neil.

Kahit sa set, iba rin daw ang pakiramdam dahil di ito tulad ng mga nagawa na niyang heavy drama.

Aniya, “Sa totoo lang, walang halong bola, sobrang ganda yung project, sobrang masaya lang, magaan lang.

“Kaya ako, sigurado ako na kapag pinalabas yun, makikita mo yun, magre-reflect sa aming lahat yun, na nag-e-enjoy kaming lahat sa ginagawa namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN