Lolit Solis accuses broadcaster Gani Oro of emotional blackmail after his partner's arrest

IMAGE Instagram

Dumulog ang talent manager na si Lolit Solis (kaliwa) sa programa ni Raffy Tulfo upang ilahad ang panlolokong ginawa sa kanya ni Imee Santiago Oro, partner ng broadcaster na si Gani Oro (kanan), kaugnay ng biyahe niya sa South Korea kasama ang iba pang reporters.


Wala na sana sa plano ng talent manager na si Lolit Solis na hingin ang tulong ni Raffy Tulfo ng Wanted sa Radyo at Itimbre Mo Kay Tulfo para magkaroon ng hustisya ang panloloko ng travel agent na si Imee Santiago Oro.

Pero nagbago ang isip niya dahil sa pahayag ng broadcaster na si Gani Oro, ang karelasyon ng taong kanyang inirereklamo.

Itinuloy ni Lolit ang guesting nito sa television program ni Raffy sa TV5 ngayong Biyernes, March 2.


Dito niya sinabi ang diumano’y "emotional blackmail" sa kanya ni Gani Oro dahil sa pagbanggit nito ng pangalan ng actor-politician na si Alfred Vargas, na kongresista sa Quezon City.

Si Alfred ay isa sa mga alagang artista ni Lolit.

Kuwento ni Lolit kay Tulfo, "Ang ikinakairita ko pa, nung tumawag si Gani Oro sa akin, sabi niya, parang feeling pa niya, pinoprotektahan pa niya si Alfred.

"Na kawawa naman si Alfred, maeeskandalo kapag nalaman ng lahat kung anong klaseng tour ang ibinigay sa amin.

"Hindi eskandalo yun, 'no! Eskandalo ba yun kung nagtitipid siya?

"Buti pa nga, ibinlow-out pa niya kami, ‘no!”

Patuloy na lahad ng talent manager, "Si Alfred kasi, alaga ko. Ako ang manager ni Alfred.

"So, nilapitan ko siya. Sabi ko, 'Alfred, i-blowout mo naman kami, apat kaming reporter—si Salve Asis na editor ng PSN saka PM, si Rose Garcia, at si Vinia Vivar na mga movie writer din.

"Sabi ko kay Alfred, 'Blowout mo naman kami sa South Korea, package tour na lang kasi mura yun.'

"Siyempre, siya ang sponsor, siya ang naghanap ng travel agent.

"Kinuha ni Alfred ang package tour sa Las Vegas Travels and Tours kay Imee Oro, na hindi dapat Oro dahil tanso siya."

THE AIRPORT INCIDENT. Pagkatapos nito ay ikinuwento ni Lolit ang nangyari sa kanila sa airport papuntang South Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pagdating namin sa airport, sinalubong pa naman kami ng airport police, ‘Ay, Ma’am, bibiyahe pala kayo!’

"Pagpunta namin sa counter, sabi ng PAL clerk, 'Hindi naman kayo naka-book.'

"Wala! Mukha kaming kawawa.

"Sabi ni Salve Asis, ‘Ay, Nay, nakakahiya, lahat sila nakatingin sa atin. Bayaran ko na lang ng credit card. Mag-booking na lang tayo.'"

Ayon kay Lolit, P162,000 ang binayaran ni Salve, gamit ang credit card nito, para lang daw matuloy sila.

"Hanggang ngayon, hindi pa niya [Imee] binabayaran si Salve.

"Sabi niya, babayaran niya pagbalik namin sa Pilipinas.

"Sa awa ni Alfred, dahil nasa airport na kami, napapahiya na kami, hiningan pa siya uli ni Imee Oro ng P200,000."

Patuloy niya, "Ang naloloka ako sa kanya, sinasabi niya na kapag nalaman ng lahat na si Alfred kuripot mag-blowout. Na ang kinuhang tour, yung pinakamura.

"Hindi yun ang point. Kahit na gaano kamura yun, ang point is nangloko siya.

"Si Alfred, ang unang ibinigay kay Imee Oro, P100,000, 'tapos nagdagdag siya ng P50,000 para maiba yung hotel na tutuluyan namin, and then another P200,000 bago kami umalis.

"'Tapos si Salve Asis, nagbayad ng P162,000 sa counter ng PAL para sa plane tickets."

Agad na nakipag-ugnayan ang staff ni Tulfo kay Garry Domingo, Business Process and Licensing Office head ng Quezon City.

Dito napag-alamang matagal nang walang permit ang travel agency ni Imee Santiago Oro.

Pahayag ni Domingo, "Kumuha siya ng permit sa Quezon City noong 2010, pero hindi siya nag-renew.

"Ang records namin, so far, dalawa yung opisina niya—isa diyan sa Sacred Heart, sa Don Alfon Building sa Timog, at isa sa Doña Imelda.

"Pero parehong 2010 lang kinuha, hindi na nila ni-renew pagkatapos.

"Illegal na, so puwede na nating ipasara ‘yan, Raffy, immediately.

"Gagawa agad ako ngayon ng mission order para mapapuntahan ko sa tao ko at maipasarado immediately."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Gani Oro's partner arrested after Lolit Solis's complaint
Gani Oro's partner arrested after Lolit Solis's complaint

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Gani Oro kaugnay ng pahayag ni Lolit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN