Miguel Tanfelix set to surprise Bianca Umali on her 18th birthday

IMAGE Noel Orsal

A romantic at heart, Miguel Tanfelix can't stop surprising Bianca Umali with love gifts.


Bago pa man ang 18th birthday ni Bianca Umali ngayong araw, March 2, nakapaghanda na raw si Miguel Tanfelix kung paano niya gagawing mas espesyal pa ito para sa ka-love team.  

“Naku, marami, medyo madugo ang paghahandang ginagawa ko!” natatawang sabi ni Miguel.
 
Bakit naman madugo?
 
“Basta madugo, pero kakayanin naman.”
 
Noong isang taon pa raw pinag-isipan ni Miguel ang sorpresa niyang ito kay Bianca, at itutuloy niya raw talaga.
 
Sabi niya, “Ayokong magbigay ng clues kasi mabilis makatunog si Bianca.  

“Feeling ko noong Valentine’s Day, hindi niya natunugan ang surprise ko kaya siya umiyak.”

Ang debut party ni Bianca ay gaganapin sa March 17.
 
Hindi masagot ni Miguel kung tinanong na siya ni Bianca na maging escort nito.
 
Aniya, “Hindi ako invited, sobra raw ako sa guest list, yun ang sinasabi niya.

“Pero, siyempre, ayaw ko namang mawala sa araw na yun kaya pupunta pa rin ako.

“Feeling ko, binibiro niya lang ako.”
 
Magtatampo ba siya kung hindi siya ang escort sa debut ni Bianca?
 
“Oo naman,” nakangiting pag-amin ng teen actor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa taping ng Kambal Karibal sa Rainforest Park, Pasig City, noong February 28.
 
IS HE IN LOVE? Ilang taon din niyang hinintay na maging 18 si Bianca.  

Ano na ang status nilang dalawa ngayon?
 
Tugon ni Miguel, “Kami ni Bianca, mahirap pong sabihin, kasi hindi ko alam.

“Parang wala sa option ko kung ano talaga kami—taken ba, single ba? Wala sa ganun, e.”
 
Exclusively dating?
 
“Lumalabas kami, pero for fun lang,” pakli niya.

“Masaya, we’re so happy, in love kami sa moment.”
 
Dugtong pa ng binata, “Wala akong maisip na label, hindi namin iniisip ang label, basta masaya kami, e.  

“And we’re not pressured na lagyan nga namin ng label.”
 
Pero in love siya kay Bianca?
 
“Am I?” natatawang sagot niya.
 
Are you?
 
“Secret!” tawa niya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Am I in love? Kayo ang makakasagot niyan.”

ROMANTIC AT HEART. Ikinuwento rin ng Kapuso young actor kung paano niya sinorpresa ang ka-love team noong nakaraang Valentine’s Day.
 
“Flower siya, teal ang color niya, yun ang favorite color niya.  

“Sa dome siya, para siyang Beauty and the Beast, ‘tapos may ilaw siya na puwedeng gawin lamp shade.
 
“Ibinigay ko, gabi na, naiyak siya, sobra siguro siyang na-surprise.

“Kasi buong araw, dedma lang ako sa Valentine’s Day.
 
“Noong gabi, para maganda talaga ang flower, patay lahat ng ilaw, yung flower lang ang nakikita niya.

“Tumutugtog lang ang background music.”
 
Ang background music daw ay ang kanta ni Shawn Mendez na “Never Be Alone.”
 
Ang pagiging romantic naman ay dati pa raw ginagawa ni Miguel, kahit sa mommy niya.

Pumipitas daw siya ng bulaklak sa garden nila at ibinibigay niya.
 
“Little things, kasi gusto ko na yung mga importanteng tao sa akin, they’ll feel special.”
 
Si Bianca lang ba ang ginagawan niya ng ganitong romantic surprises?
 
“Of course, kay Bianca, hindi naman ako nag[bibigay] sa ibang babae,” sabi ni Miguel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN