Camille Prats on going up against Jodi Sta. Maria's show: "It's a healthy competition."

IMAGE Noel Orsal

Camille Prats on ignoring network war: "Ang goal lang naman natin ay magtrabaho nang masaya at makapagbigay saya sa mga viewers natin, yun lang."


Sa tuwing magkakaroon ng bagong show ang isang TV network, kadalasan ay agad itong ikinukumpara ng avid fans sa katapat na programa.

Katulad ngayong magsisimula na ang bagong daytime series ng GMA Network na Ang Forever Ko'y Ikaw, hindi maiiwasan ng mga manonood na ikumpara ito sa ipinapalabas nang teleserye ng ABS-CBN, ang Sana Dalawa ang Puso Ko.

Ang Ang Forever Ko'y Ikaw ay pagbibidahan nina Camille Prats at Neil Ryan Sese.

Tampok naman sa Sana Dalawa Ang Puso Ko sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, at Robin Padilla.

Pero para kay Camille, hindi ito dapat maging dahilan ng network war.

Saad ng actress-TV host, “Para sa akin, hindi ko nararamdaman na mayroon pang network war.

“Of course, the competition will always be there, but it's a healthy competition.

“Sa co-artists, sa mga katrabaho ko, wala akong nararamdaman na personal na atake.

“Ang goal lang naman natin ay magtrabaho nang masaya at makapagbigay saya sa mga viewers natin, yun lang.”

Makakatapat ni Camille bilang lead actress ang matagal na rin niyang kilala sa industriya na si Jodi.

Ssa pagitan ng mga artista, wala naman daw personal na competition ang isa't isa.

“I'm a big fan of her and I like how... she's also a Christian,” sabi ng Kapuso actress tungkol sa Kapamilya actress.

“Yung mga messages niya ay very uplifting.

“Sabi ko nga, it's what I like in a person, yung beliefs niya, yun mga bagay na I admire about her.

“Wala, lahat ng ito ay trabaho lang at makapagbigay ng saya.”

DIFFERENT STORY. Pagdating naman sa istorya ng kani-kanilang mga teleserye, malayo raw ang Ang Forever Ko'y Ikaw sa makakatapat nitong programa.

“Going against their show, napapanood ko rin naman yung show nila, malayo ang kuwento nila sa isa't isa.

“Mas natural din ang atake namin sa things, hindi parang mabigat na parang alam mong sa pelikula lang mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa amin, mas reality yung home base namin.

“Yun ang gusto naming i-touch sa mga tao.

“Sana mahalin nila ito because of its rawness, how they can really relate in the story.”

Dagdag pa ni Camille, “Actually, halos lahat naman ngayon is moving towards the love angle.

“Although meron namang iba na mabigat pa rin. Siyempre, nandiyan pa rin yung mga nawalan ng anak, gustong maghiganti, revenge type.

“But I think the Philippines needs more love and comedy more than anything else.

“Gusto natin ng mas magaan at mas nakakatawang buhay araw-araw.

“Morning show ito, ibig sabihin, gusto nating simulan ang araw nang masaya lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN