Baron Geisler claims he got beaten up by his brother-in law

IMAGE Noel Orsal / Baron Geisler Instagram

Si Baron Geisler mismo ang nag-post ng larawan niya pagkatapos diumano siyang bugbugin ng kanyang brother-in-law na hindi niya pinangalanan. Inilabas din ng aktor ang certificate request for medical certification mula sa Police Station 3 ng Angeles City tungkol sa nangyari sa kanya, kahit na dapat ay confidential ito.


Binugbog diumano ang controversial actor na si Fredrick Von Geisler aka Baron Geisler ng kanyang brother-in-law na hindi niya pinangalanan.

Nangyari ang insidente sa tahanan ni Baron sa Don Bonifacio Cruz Avenue, Barangay Pulung Maragul, Angeles City, bandang alas-dos hanggang alas-tres ng madaling-araw ngayong Sabado, Marso 3.

Supposedly, confidential ang paghingi ni Baron ng certificate request for medical certification mula sa Police Station 3 ng Angeles City tungkol sa nangyari sa kanya, pero mismong ang aktor ang nag-post sa Instagram account niya tungkol sa naganap na pananakit sa kanya.

Michael Robinstone Morales

A post shared by Baron Geisler (@barongeisler) on

Inilabas din ni Baron ang larawan ng duguang mukha niya.

Nilagyan niya ito ng caption na: “What to do? Break in and bugbug by family. Wow. Still forgive them. Pera pera pag Alana si Mama.”

Sinabi ni SPO3 Ronald Mendiola ng Police Station 3 ng Angeles City na nagsadya si Baron sa presinto upang humingi ng certification for medical examination sa hospital director ng Rafael Lazalin Medical Memorial Center, matapos nitong manggaling sa Angeles University Foundation Hospital.

Halos sarado raw ang kanang mata ng 35-year-old actor nang magsadya sa police station.

Lahad ni Mendiola sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philipppine Entertainment Portal) ngayong umaga, “Medyo nakainom po si Baron nang dumating siya sa police station.

“According to him, binugbog siya ng brother in-law niya, pero hindi niya sinabi ang pangalan.

"Family matters daw ang dahilan.

"Ang sabi ni Baron, hindi pa sure kung magsasampa siya ng kaso, humingi lang siya sa amin ng certificate request for medical examination.

"Hindi raw siya lumaban nang bugbugin siya."

Patuloy ng police officer, "Medyo nakainom si Baron kaya hindi masyadong malinaw ang sinasabi niya.

"May kasama siya na babae nang dumating sa presinto.

"Ang sabi niya, kasambahay niya, pero may sinabi rin siya na girlfriend niya.

"Sandali lang nagtagal si Baron sa police station, mga thirty minutes, dahil nagmamadali siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minadali nga niya ang paghingi ng certificate request."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN