Archie Alemania admits vow of celibacy since Christian conversion

IMAGE @geecanlas on Instagram

Despite being a self-confessed womanizer during his past years, comedian Archie Alemania (shown with girlfriend Gee Canlas) made a vow of celibacy since he became a Christian three years ago.


Ang pagiging babaero ang isang dahilan kung bakit hindi nagkaroon ng maayos na relasyon ang komedyanteng si Archie Alemania sa mga naging kasintahan niya.

“Yung totoo, sobrang babaero ko lang talaga,” pag-amin niya.

Exclusive na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Archie sa presscon ng bagong Kapuso morning serye na Ang Forever Ko’y Ikaw na ginanap sa 17th floor ng Kapuso building, Quezon City.

Ang serye ay pinagbibidahan nina Camille Prats at Neil Ryan Sese. Dito ay ginagampanan ni Archie ang papel bilang bestfriend ni Neil.

PAST RELATIONSHIPS. Sa aming panayam, ikinuwento nia Archie na nakarelasyon niya ang aktres na si Mickey Ferriols at nagkaroon sila ng isang anak.

May dalawa pang anak ang komedyante sa magkaibang babae bago pa dumating sa buhay niya si Mickey.

Tumagal nang ilang taon ang relasyon nila ni Mickey pero nagkahiwalay sila dahil sa pambababae ni Archie.

“Oo, 'yan din,” pagpapatunay ng Kapuso actor.

WILD PAST. Ang pambababae rin daw niya ang dahilan kung bakit tumagal lang ng dalawang taon ang kanilang relasyon ng actress-host na si Gee Canlas.

Kuwento pa ng Bubble Gang mainstay, “Aawayin ko siya para lumabas ako at mambabae.

“Hihintayin kong awayin ako para lumabas ako at mambabae.

“Yun talaga, e.

“Ewan ko, yun ang gusto ko dati—mambabae nang mambabae.”

REUNITED. Matapos ang limang taon mula noong kanilag paghihiwalay, nitong nakaraang limang buwan lang nagkabalikan sina Archie at Gie.

Itinanggi ng 49-year-old former dancer na nagsasama na sila sa iisang bubong ni Gie.

Mula noong naging Christian daw si Archie ay kasama sa mga ipinangako niya sa kanyang sarili ang pagiging celibate, o pag-iwas sa ano mang uri ng sex.

VOW OF CELIBACY. Patuloy niya, “Three years ago, noong nag-Christian ako, doon ko natutunan yung kahalagahan ng pagpapahalaga sa word ni God.

“Kasi in one year since nangyari sa akin yung kung anu-anong katarantaduhan, ibinigay ni God lahat ng ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit aminadong hirap si Archie sa kanyang panata, nagpu-focus na lang daw siya sa pag-aalaga ng kanyang mga anak.

Biniro namin si Archie kung kaya pa rin ba niyang mag-tiis, lalo na nga't nagkabalikan na sila ni Gie.

Humugot muna nang malalim na hininga si Archie at saka nagsalita, “Kaya pa.

“Ngayong may girlfriend ako, ito ang mas mahirap e.

“Kasi alam ko andiyan na, e. Pero kaya pa.

“Kaya nga nag-iipon na kami, e. Minamadali na namin. Hahaha!

“Hirap na rin siya, 'yan ang pinag-uusapan namin.”

Paano kung gusto nilang maging sweet sa isa't isa? Hindi ba sila naghahalikan o nagyayakapan man lang?

“Uhm, oo.

“Hindi nga lang yung parang torrid [kissing] na mga gano'n.

“Okey na yung smack lang,” lahad niya.

Base sa kanyang mga pag-amin, mukhang tuluyan na ngang tinalikuran ni Archie ang kanyang pambababae.

Deklara niya, “Ayoko nang maglaro.

“Ayoko nang mag-ubos ng pera at panahon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN