Marvin Agustin rants about excessive bashing against celebrities

IMAGE Noel Orsal

Actor-turned-entrepreneur Marvin Agustin took to Twitter to vent his frustrations about the excessive bashing that celebrities get on social media.


Disappointed ang actor-turned-entrepreneur na si Marvin Agustin dahil sa excessive bashing ng maraming netizens sa ilang mga celebrities sa social media.

Kabilang siya sa nakakatanggap ng bashing dahil sa mga naging issues sa kanya, katulad na pagkaka-link niya kamakailan sa actor-singer-model na si Markki Stroem.

Kahit na ipinaliwanag ni Marvin na barkada at good friends lang talaga sila ni Markki, hindi sila tinantanan ng mga netizens na walang tigil pa rin ang pag-bash at paghusga sa kanila ni Markki.

Kaya sa kanyang Twitter account noong nakaraang February 28 ay nag-rant ang Kambal, Karibal kontrabida tungkol sa hindi magandang gawain na ito.

Payo niya, mag-focus na lang sana ang mga netizens sa mga positibong bagay kesa maghanap ng mali sa mga tulad niyang celebrities.

Heto ang magkakasunod na tweets ni Marvin:

“I’ve been reading some negative posts from people. Bashing and attacking. I just want to say na, pwede naman kayo di maniwala sa mga ibang tao pero di nyo kailangan mambastos.

“Pwede kayo magkaroon ng strong or even opposing opinion and views about other things but dont curse or be evil on raising your concerns and insights. Wag please. Pagsisihan nyo yan.

“You may be using an account na di ka nakikilala kaya mas matapang ka maging masama pero you are damaging yourself, your soul. Your thoughts become your words, your words into action. And your action will define your character.

“My simple rules: kung hindi mo ikababait, ikapoppgi ( o ikagaganda) at ikayayaman, wag na patulan.”

Nag-post naman si Marvin ng isang quote:

“Don’t blame other people for disappointing you. Blame yourself for expecting way too much from them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN