Jeric Gonzales explains hesitation about posting shirtless pics on Instagram

IMAGE Noel Orsal

Jeric Gonzales explains why he's hesitant about posting his shirtless pics on social media: "Kulang pa kasi ang abs ko. Apat pa lang. Di ba dapat anim siya? Ayaw pang lumabas ng dalawa, e. Kaya workout pa more!"


Dahil nagsimula na ang summer season, maraming showbiz hunks ang nagdi-display ng kanilang mga rock-hard abs sa social media.

Hindi lang kasi ang mga female celebs ang nagpapasikat ng kanilang well-toned bikini-ready bodies sa Instagram o Facebook.

Pati mga lalake ay obsessed din sa pagpapakita ng kanilang katawan dahil sa kanilang puspusang workouts.

Kabilang sa mga madalas mag-post ng kanilang magagandang katawan ay sina Derrick Monasterio, Rodjun Cruz, Rayver Cruz, Kristoffer Martin, Daniel Matsunaga, Ruru Madrid, James Reid, Marco Gumabao, Kiko Estrada, Benjamin Alves, Mikael Daez, at marami pang iba.

Pero para sa Kapuso actor na si Jeric Gonzales, kahit panay ang workout niya at malaki na ang na-improve sa kanya physically, nahihiya pa raw siyang mag-post ng shirtless pics niya sa kanyang social media accounts.

“Kulang pa kasi ang abs ko.

“Apat pa lang. Di ba dapat anim siya?

“Ayaw pang lumabas ng dalawa, e.

“Kaya workout pa more!” tawa pa ni Jeric panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa taping ng Kambal, Karibal sa Pasig Rainforest Park in Pasig City noong nakaraang March 1.

Dagdag pa ng Kapuso actor, hindi raw niya nakaugalian na mag-post sa social media na shirtless siya.

“Okey lang po sa akin yung nagwu-workout ako.

“Pero yung shirtless ako sa photo, hindi ko ginagawa.

“Kanya-kanya naman po tayo ng gustong i-post sa Instagram, di ba?

“May iba talaga na gusto ang gano’n.

“Wala naman akong objection sa ginagawa nila.

“Siguro mahiyain lang po talaga ako.

“Tsaka nag-iingat po ako sa mga hindi magagandang comments.

“Siyempre, hindi maiiwasan ng ilang netizens na ma-compare ang katawan ko kina Derrick or kay Rodjun or sa iba pa.

“Kaya para wala kang mabasa na gano’ng comments, huwag ka na lang po mag-post,” pahayag niya.

GOOD RATINGS. Anyway, masayang-masaya si Jeric dahil sa mataas na ratings na nakukuha ng Kambal, Karibal sa GMA primetime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit saan daw siya magpunta ngayon, tawag sa kanya ay “Parekoy.” Iyon kasi ang tawagan ng characters nila ni Bianca Umali sa teleserye.

“Kasi noong mag-mall show po kami, tawag ng mga tao sa akin, 'Parekoy.'

“Natuwa ako kasi ibig sabihin ay napapanood nila ang Kambal, Karibal gabi-gabi.

“Sobrang thankful ako na napasama ako sa show na ito.

“Kasi umabot na sa six months na wala akong regular show. Puro guestings lang.

“Dahil dito rin sa Kambal, Karibal, nagsunud-sunod ang mga trabaho ko.

“Hindi na ako nababakante tulad noon.

“Kaya maraming salamat sa suporta nila sa show namin.

“Abangan nila ang mga kababalaghan na mangyayari sa show,” lahad pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN