Claudine Barretto falls down the stairs after fainting due to low blood

IMAGE Instagram account of Claudine Barretto

Claudine Barretto was rushed to the hospital after she fainted, and fell down the stairs. 


Naaksidente si Claudine Barretto, base sa kanyang Instagram post kahapon, March 3.

Sa kuwento ng 38-year-old actress, nadulas siya at nahulog sa hagdan.

Ito raw ay matapos siyang himatayin sanhi ng "super low blood."

Saad niya sa kanyang post, "Hay naku back to the ER.had an accident i slipped & fell down the stairs super low blood my Palanggas i fainted & fell. but im being well taken cared of here at the Hospital. God bless u all my Claudians & CLAUDINATICS"

Nagpahayag naman ang mga tagahanga ni Claudine ng kanilang pag-aalala sa comments section ng kanyang post.

Nakatanggap rin ang aktres ng "get well soon" messages mula sa kanyang mga followers.

Kaya naman nagpasalamat si Claudine, at sinabing maayos na ang kanyang kalagayan.

Pagkatapos daw linisin ang kanyang mga sugat ay makikipagkita siya sa mga kaibigang sina Tina Yan at Jana Victoria.

Si Tina ay kapatid ng yumaong ex-boyfriend ni Claudine na si Rico Yan.

Sabi ni Claudine, "Thank you so much for all your messages & prayers. i'm so TOUCHED. i wish i could thank each & everyone of u & thank u sa comments niyo. but pls know i am so grateful & feel so blessed by all of u. i'm ok na now & just having my wounds cleaned now then im on my way to meet my sister @tinamarieyan & @janavictoria with our kids later. God bless each & everyone of u & your families. Thank u mga Palanggas ko. i luv u all."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN