Angel Locsin responds to "slut-shaming" accusation of netizen over PGT performance

PGT performance" data-url="https://www.pep.ph/news/69711/angel-locsin-responds-to-slut-shaming-accusation-of-netizen-over-empgtemperformance" data-desc="Angel Locsin: "Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan." " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2018-03-04_14:48:10_Angel-Locsin.jpg"> PGT performance" data-url="https://www.pep.ph/news/69711/angel-locsin-responds-to-slut-shaming-accusation-of-netizen-over-empgtemperformance" data-desc="Angel Locsin: "Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan." " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2018-03-04_14:48:10_Angel-Locsin.jpg"> PGT performance" data-url="https://www.pep.ph/news/69711/angel-locsin-responds-to-slut-shaming-accusation-of-netizen-over-empgtemperformance" data-desc="Angel Locsin: "Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan." " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2018-03-04_14:48:10_Angel-Locsin.jpg">

PGT performance" data-url="https://www.pep.ph/news/69711/angel-locsin-responds-to-slut-shaming-accusation-of-netizen-over-empgtemperformance" data-desc="Angel Locsin: "Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan." " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2018-03-04_14:48:10_Angel-Locsin.jpg"> PGT performance" data-url="https://www.pep.ph/news/69711/angel-locsin-responds-to-slut-shaming-accusation-of-netizen-over-empgtemperformance" data-desc="Angel Locsin: "Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan." " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2018-03-04_14:48:10_Angel-Locsin.jpg"> PGT performance" data-url="https://www.pep.ph/news/69711/angel-locsin-responds-to-slut-shaming-accusation-of-netizen-over-empgtemperformance" data-desc="Angel Locsin: "Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan." " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2018-03-04_14:48:10_Angel-Locsin.jpg"> PGT performance" data-url="https://www.pep.ph/news/69711/angel-locsin-responds-to-slut-shaming-accusation-of-netizen-over-empgtemperformance" data-desc="Angel Locsin: "Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan." " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2018-03-04_14:48:10_Angel-Locsin.jpg">

IMAGE Screengrab from ABS-CBN

Angel Locsin responds to a netizen accusing her of "slut-shaming" the contestants of Pilipinas Got Talent who performed a sexy dance number in their underwear.


Sinagot ni Angel Locsin ang isang netizen na inakusahang "slut-shaming" diumano ang ginawa ng aktres kahapon, March 6, sa performance ng isang grupo sa Pilipinas Got Talent 6.

Sa nasabing episode, nag-perform ng sexy dance habang nagka-carwash at naka-underwear ang mga babaeng tinaguriang "Playgirls."

Pero ilang segundo pa lamang matapos magsimula ng kanilang sayaw ay pinindot na ni Angel ang kanyang red buzzer, na ang ibig sabihin ay "stop."

Ipinaliwanag naman ng aktres na hindi niya raw kayang makitang nagsasayaw nang naka-underwear ang grupo para lang sa Pilipinas Got Talent.

Umabot pa ito sa puntong muntikan nang magkaroon ng tampuhan sa pagitan ni Angel at Robin.

Sabi ng netizen kay Angel, "lmfao. if @143redangel were really there to empower women such as playgirls, she could've refrained herself from slut shaming. it's their body after all; and they loved and are proud of what they did #pgtsuperfiesta"

Sinagot naman ito ni Angel at sinabing, "there is no such thing as a 'slut' or a 'non-slut.' There are WOMEN."

JUDGES' COMMENTS. Bago sumayaw ang Playgirls, isa-isang nagpakilala ang mga miyembro na sina Camsi, Darling, Lovely, at Trance.

Maliban kay Angel, wala nang ibang hurado na pumindot ng kanilang red buzzer kaya nagpatuloy ang pagsasayaw ang grupo.

Pagkatapos ng dance performance ay nagbigay ng mga komento ang mga huradong sina Robin Padilla, Vice Ganda, at Freddie "FMG" Garcia.

Una munang tinanong ni Robin kung maayos lang ba ang kanilang lagay pagkatapos mag-split at bumagsak sa mabatong sahig.

Nang magbigay si Vice ng kanyang komento, tinanong niya muna ang grupo, "Ano bang talent yung pinakita niyo, anong tawag doon?"

Sagot ng Playgirls member na si Camsi, "Carwash po. Yes po, we danced."

Sabi ni Vice sa grupo, "Kayong apat ay walang kaduda-dudang babae. Napakagaganda niyong babae.

"Nagugulumihanan lang ako kung carwashing in your underwear is really a talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kung talent talaga kasi iyan, kahit naka-pajama ka at naka-belo ka, kung kakaiba yung talent mo, makikita at makikita yung talent mo."

Nang oras na para magbigay ng komento si Angel, ipinaliwanag niya kung bakit niya pinindot agad ang red buzzer.

"Ako kasi, parang hindi ko kaya na makita kayo na nagsasayaw ng naka-underwear para sa amin.

"Masyado kayong magaganda at masyado niyo itong pinaghirapan para gawin yun.

"Kung may talento kayo, yung ang ipakita niyo sa amin, dahil talent ang hinahanap namin dito, hindi katawan.

"Kaya kayo binuzz. Ayokong ma-objectify kayo, masyado ako nagmamalasakit para sa inyo para i-go ko ito at patuloy kayo panoorin ng kalalakihan na ginagawa iyan.

"Yun yung para sa akin."

ROBIN-ANGEL. Pagkatapos magbigay ni Angel ng komento ay si Robin naman ang kumausap sa grupo.

Tanong niya, "Ginagawa niyo ba iyan dahil gusto niyo o labag sa kalooban niyo?

"Isa-isa ha, kasi mahalaga ito. Para mabura sa isipan ng ibang judges na kayo ay napilitan."

Nang marinig ito ni Angel ay agad siyang napatingin kay Robin at nagsabing, "Wala namang nag-iisip na napilitan, Kuya Binoe."

Ayon sa Playgirls, sila naman daw ay nag-enjoy sa kanilang ginawang pagsayaw.

Balik-tanong ni Robin, "Gusto niyo ba iyon na ang mga kalalakihan, e humahanga sa inyo?"

Makikitang nagulat si Angel at napatanong kay Robin, "Seryoso ka?"

Bumulong naman si Robin kay Angel at sinabing, "Pakinggan muna natin sila."

Tugon ni Angel, "Okay."

Sagot naman ni Camsi sa tanong ni Robin, "Opo naman. Para naman po sa amin e talent naman po namin ito."

Pagkatapos nito ay binigyan ni Robin ng payo ang grupo.

Sabi niya, "Yung sinasabi nila sa inyo, magandang point iyon.

"Intindihin niyo si Angel, advocacy niya iyan. Women’s rights. Kaya niya sinasabi iyan…"

Pagpapatuloy ni Angel, "Para protektahan din kayo."

Dagdag naman ni Robin, "Sana maintindihan niyo iyan, ha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang against sa inyo, lahat ng sinabi nila dito, pabor sa inyo."

Sa huli ay bumoto ng "yes" sina Robin at FMG, habang nag-No naman sina Angel at Vice.

Sabi ni Angel sa grupo, "Obviously, very entertaining yung pinakita niyo.

"Siguro hindi lang talaga ito para sa akin. Pasensiya na, I have to say no."

Paliwanag naman ni Vice, "Ako, yung desisyon ko e walang kinalaman sa kung anong suot niyo, ha.

"Kasi your wardrobe or whatever you’re wearing now is part of your self expression at lahat tayo ay may karapatan kung paano natin gusto i-express ang mga sarili natin.

"If you’re comfortable bilang mga babae, karapatan niyo iyan kung paano niyo gusto i-express ang mga sarili basta ang mahalaga ay hindi niyo naba-violate o walang buma-violate sa karapatan ninyo.

"Pero talent-wise, for me, I don’t think that’s enough to win two million pesos here in PGT. So I’m saying no."

ANGEL CRIES. Nang makalabas na ang grupo sa stage ay agad na humingi ng pasensiya si Robin kay Angel.

Sabi niya rito, "'Tol, huwag ka magalit sa akin."

Paliwanag naman ni Angel, "Kuya, hindi lang naman kasi yung damit ang problema.

"Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan."

Pagkatapos nito ay pinakita nang naiyak si Angel.

Patuloy ni Robin, "Pasensiya ka na, 'tol, ha, hindi kita kinontra, 'tol. Hindi kita kinontra, 'tol, wala namang kumontra."

Sabi din ni Vice, "Even if it’s your body, you cannot control other people’s perception, di ba, kung paano nila titignan yung ginagawa."

Saad pa ni Angel, "Kaya nga di ba, may mga pinapasarang mga bar yung Gabriela, ganyan, kasi akala nila ito yung way, ito yung way para makakuha ng pera, para sumikat.

"Kailangan turuan ng awareness kahit papaano.

"Wala naman tayong ibang paraan kung hindi sabihin talaga, yun lang yung sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli ay parehong nag-sorry sina Angel at Robin sa isa't isa.

PGT performance" data-url="https://www.pep.ph/news/69711/angel-locsin-responds-to-slut-shaming-accusation-of-netizen-over-empgtemperformance" data-desc="Angel Locsin: "Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan." " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2018-03-04_14:48:10_Angel-Locsin.jpg"> PGT performance" data-url="https://www.pep.ph/news/69711/angel-locsin-responds-to-slut-shaming-accusation-of-netizen-over-empgtemperformance" data-desc="Angel Locsin: "Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan." " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2018-03-04_14:48:10_Angel-Locsin.jpg"> PGT performance" data-url="https://www.pep.ph/news/69711/angel-locsin-responds-to-slut-shaming-accusation-of-netizen-over-empgtemperformance" data-desc="Angel Locsin: "Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan." " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2018-03-04_14:48:10_Angel-Locsin.jpg">


PGT performance" data-url="https://www.pep.ph/news/69711/angel-locsin-responds-to-slut-shaming-accusation-of-netizen-over-empgtemperformance" data-desc="Angel Locsin: "Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan." " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2018-03-04_14:48:10_Angel-Locsin.jpg"> PGT performance" data-url="https://www.pep.ph/news/69711/angel-locsin-responds-to-slut-shaming-accusation-of-netizen-over-empgtemperformance" data-desc="Angel Locsin: "Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan." " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2018-03-04_14:48:10_Angel-Locsin.jpg"> PGT performance" data-url="https://www.pep.ph/news/69711/angel-locsin-responds-to-slut-shaming-accusation-of-netizen-over-empgtemperformance" data-desc="Angel Locsin: "Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan." " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2018-03-04_14:48:10_Angel-Locsin.jpg"> PGT performance" data-url="https://www.pep.ph/news/69711/angel-locsin-responds-to-slut-shaming-accusation-of-netizen-over-empgtemperformance" data-desc="Angel Locsin: "Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan." " data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/2018-03-04_14:48:10_Angel-Locsin.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN