Camille Prats reveals fervent prayer for good friend Angelica Panganiban

IMAGE Noel Orsal

Camille Prats (left) shares her fervent prayer for good friend Angelica Panganiban (right): "Palagi kong sinasabi sa kanya na ang tanging dasal ko lang ay mahanap niya ang tunay na kaligayahan... whether it's with somebody or just being alone."


Magkasabay, magka-kontemporaryo at masasabing kilala rin bilang magkaibigan sina Camille Prats at Angelica Panganiban.

Pero kung titingnan ang personal nilang buhay, kung si Camille ay nakahanap na ng “second chance” sa buhay may-asawa, si Angelica naman ay nananatili pa ring single.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Camille sa ginanap na presscon ng morning serye na Ang Forever Ko’y Ikaw sa 17th Floor ng GMA-7 noong March 1, nilinaw ni Camille na magkaiba raw ang mga pinagdaanan nilang dalawa sa buhay.

Kuwento ni Camille, “Alam niyo, palagi kong nakikita si Sis [Angelica] recently dahil sa negosyo nila ni Kuya [John Prats], sa Bright Bulb [Productions, their video production company]...

“And you know, I admire her for taking things too light.

“She came out with the book [Para Kay Ex] at pinadalhan niya ko sa bahay.

“Sobrang na-touch ako dahil naalala niya akong padalhan.

“'Tapos, meron pa siyang dedication.

“And I admire her for being so strong and you know, moving on with life and believing na merong tao para sa kanya.

“Hindi pa lang siguro dumarating.”

Dugtong pa niya, “Iba-iba tayo ng battle, e.

“Siguro si Angelica, nandoon pa siya sa point of finding her love, the love of her life.

“Ako, iba rin naman ang mga naging pagsubok ng buhay ko.

“So dun pa lang, parang medyo ang hirap naming ikumpara pagdating sa mga buhay na nailatag sa amin.

“Hindi rin naman namin plinano for ourselves, nangyari lang talaga at nagkataon lang talaga.”

May panalangin daw siya para kay Angelica.

Aniya, “Palagi kong sinasabi sa kanya na ang tanging dasal ko lang ay mahanap niya ang tunay na kaligayahan...

“Whether it’s with somebody or just being alone.”

Sa isang banda, kung ipagkukumpara naman sila ng kanyang kapatid na si John, tila mas tutok ang kuya niya sa bahay at sa anak nila ng misis niyang si Isabel Oli, samantalang siya naman at talagang tuluy-tuloy lang sa kanyang showbiz career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAMILY STILL TAKES FIRST PRIORITY. Sa March 12 na magsisimula ang pag-ere sa morning time slot ng bagong Kapuso serye ni Camille na Ang Forever Ko'y Ikaw.

Ito rin ang bagong simula ng pagbabalik niya sa teleserye

Wala naman daw problema sa asawa niya kung ipagpatuloy pa rin niya ang pag-arte, kahit na nangyari ito limang buwan pa lang matapos niyang manganak.

Paliwanag ni Camille, “Kami ni VJ kasi, siguro ang agreement lang naming dalawa, as long as may oras ako para sa pamilya.

“My family is always my first priority before anything else.

“Makakapag-trabaho ako kung nagagampanan ko lahat yun.

“Ngayon, kung at some point nagkukulang ako sa pamilya ko, I guess that’s when I have to step back as an actress and as a host and doing things for myself.”

HAPPY TOGETHER. Noong mag-boyfriend/girlfriend pa lang daw sila, dumaan din daw sila sa long-distance relationship dahil naka-base sa America si VJ.

Ngayon daw, nagdesisyon na ito na dito na rin sa Pilipinas manirahan.

Lahad niya, “Sayang ang panahon na hindi kami magkasama. For a very long time, we were apart noong time na mag-boyfriend pa lang kami.

“Yung desisyon namin to get married, we wanted to be together.

“Kasi importante yung panahon and quality time that we spend with our kids, than you know, pursuing our dreams.

“Lahat naman tayo may mga pangarap na gustong i-achieve, pero hindi rin naman kami nagmamadali rin pagdating sa ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN