Sharon Cuneta initially hesitant to do ad with Gabby Concepcion

IMAGE Facebook account of Sharon Cuneta / Screengrab from Rated K

In her interview with Korina Sanchez for Rated K last Sunday, March 4, Sharon Cuneta admitted why she initially felt hesitant about doing the fastfood ad with Gabby Concepcion, which eventually turned out to be a viral phenomenon: "Ayokong gawin kasi hindi kami in good terms, e. Hindi kami nag-uusap. Alam ko, medyo malaki yung excitement. Ang hindi ko sure, paano tatanggapin na 50s na kami?"


Inamin ni Sharon Cuneta na nag-alangan siyang gawin ang commercial ng McDonald's kasama ang ex-husband at dating ka-love team na si Gabby Concepcion.

Ikinuwento ito ng Megastar sa panayam sa kanya ng Rated K kagabi, March 4.

Sabi niya, "Di ba, dapat nga magpe-pelikula kami two years ago pa hanggang last year, hindi na natuluy-tuloy, so sabi ko wala na siguro

"And then biglaang na-offer itong McDdonald's sa amin na truthfully, ayokong gawin kasi hindi kami in good terms, e.

"Hindi kami nag-uusap. Alam ko, medyo malaki yung excitement.

"Ang hindi ko sure, paano tatanggapin na 50s na kami?"

Sabi pa ni Sharon, kinailangan niyang ipagdasal ang kanyang magiging desisyon bago tuluyang tanggapin ang proyekto.

Kumusta naman ang naging pagkikita nila sa araw ng shooting, lalo na't may kusot sa pagitan nila?

Sagot ng 52-year-old actress, "Actually, hindi ko talaga alam ano nangyari.

"Hindi kami magkaaway na harapan, e. I didn't know what to expect pero laging negative.

"Parang nakaka-nerbiyos na hindi ko alam kung tama ba tong tinanggap ko 'to, 'tapos biglang maya-maya pagpasok, sabi niya, 'Hi!'

"'Hi!' gumanyan ako, 'tapos meron siyang dalang fruit basket. Nag-thank you, gumanyan lang ako, 'tapos, 'Sige, I'll see you later.'"

Nawala naman daw ang apprehensions nila sa isa't isa nang nagsimula nang mag-roll ang camera.

"Diyos Ko, Lord! The minute we were given instructions, para kaming nag-shooting kahapon lang. Balik agad sa dating gawi.

"We knew exactly what they wanted from the storyboard. At saka kasi may pagkatotoo yung, 'Do you mind if I join you,' na first time kayong mag-uusap.

"It was true. May ilangan, may awkwardness hanggang sa mamaya, relaxed na uli."

Ano naman ang naging reaksyon niya nang mapanood na niya ang kabuuan ng commercial?

"Actually, noong nakita ko yung commercial, tulala na ako 'tapos inulit ko, naiyak talaga ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HISTORY OF SHAGAB. Sa pelikulang Dear Heart noong 1981 unang nagtambal sina Sharon at Gabby.

Sa kuwento ni Sharon, hindi raw sila nag-uusap noong unang bahagi ng kanilang shooting hanggang sa nagkamabutihan sila.

"Shooting kami, hindi kami nag-uusap.

"Hindi naman sa irita kung hindi di ako friendly at saka naiilang ako sa kanya.

"Pero pag may eksena kaming ganyan, mabait naman, he's very down-to-earth.

"Noong bandang patapos, may mga phone calls na. Noong nagpu-promote kami, kami na!"

Noong September 1984 ay ikinasal sa Manila Cathedral sina Sharon at Gabby, kung saan buntis na si Sharon sa unang anak na si KC.

Aniya, "I was naglilihi na then. In the middle of the ceremony, I remember I was telling Gabby, 'Pa, I really need to throw up,' kasi sukang-suka na ako.

"The monsignor did, binilisan na lang."

Dinumog ng Sharon-Gabby fans ang kanilang kasalan.

Tanda pa ng singer-actress, "Nasira yung altar kasi binuksan. My veil, nanakaw.

"Ginamit ko na lang sa reception, yung belo ng secondary sponsor, yung nilalagay sa 'yo.

"'Tapos, sumabog yung tambutso ng bridal car, 'tapos pagdating sa hotel, may metro aide na, lahat na, binisita ko na silang lahat."

THE BREAK-UP. Subalit noong 1986, naghiwalay na sila Sharon at Gabby.

Taong 1990 nang muli silang magkasama sa pelikula.

Ito ay nang gawin nila ang Bakit Ikaw Pa Rin?

Sabi ni Sharon tungkol dito, "That movie Bakit Ikaw Pa Rin?, from beginning to end, hindi kami nag-uusap.

"I have very bad memories of that whole movie. Pati yung nagre-rehearse kayo ng linya, pag take na, iba na.

"And then we couldn't tell people na hindi kami magkasundo. Pero maganda yung whole movie na lumabas."

Akala ng mga tao noon ay magkakabalikan pa sila.

Subalit, ayon kay Sharon, "He met someone else and he chose her.

"But that's okay, I mean, that's a long time ago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It has something to do also, I have issues, Korina, na people think they call you Mega, people think you have everything."

Sa puntong ito ay naging emosyonal na si Sharon.

Pagpapatuloy niya, "I’ve always felt I was never enough for any man since my first husband, so you know...

"I know how to channel lang my energies and every time I would come out lang on TV, I have a license to be happy.

"Alam mo kung puro puso noon, isip at puso naman 'wag puro puso."

Sa loob ba ng ilang taon bago sila nakagawa ng proyekto ay hindi sila nagkausap?

Natatawang pag-amin ni Sharon, "We have very little contact and usually it would end in a fight!"

Bago ang commercial na kanilang pinagsamahan, ang huling proyekto ni Sharon at Gabby na magkasama ay ang 1992 film na Tayong Dalawa.

Lahad ni Sharon tungkol dito, "I was so happy there, e.

"I could be friends with the father of my daughter, that’s how I felt. That’s a very special movie."

Bigla naman niyang naisip habang natatawa, "First true love mo, 'tapos nawala. So feeling ko, nangyari, si Snow White [ako] 'tapos nadapa."

Ang huling katanungan naman ni Korina kay Sharon ay kung matutuloy na ba ang reunion movie ng ShaGab.

Nakangiting sagot lang ni Sharon, "Depende kay Gabby at sa Star Cinema."


Stories We Are Tracking

Gabby posts hashtag
Gabby posts hashtag "forgiveness" in photo with Sharon
Sharon tells all about marriage and breakup with Gabby
Sharon tells all about marriage and breakup with Gabby
Sharon Cuneta happy to reconnect with Gabby Concepcion
Sharon Cuneta happy to reconnect with Gabby Concepcion
What PEP knows about Sharon Cuneta, Gabby Concepcion meeting
What PEP knows about Sharon Cuneta, Gabby Concepcion meeting


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN