Vin Abrenica confirms pamamanhikan of his Kuya Aljur to Kylie Padilla's family

IMAGE Nerisa Almo

Vin Abrenica on family dinner between Abrenica and Padilla families: "Sobrang saya ko na nadagdagan yung family, na I can call Robin my dad. Sobrang saya na nakilala ko na rin yung part ng family niya, 'tapos yung mga sibling din. And the fact na magkakasundo na ang lahat, walang problema, okay ang lahat... Ang saya lang sa pakiramdam na magkakausap lahat."


Kinumpirma ni Vin Abrenica, nakakabatang kapatid ni Aljur Abrenica, na namanhikan ang kanilang pamilya sa pamilya ni Kylie Padilla.

Ito ay kaugnay ng Instagram post ng Kapamilya actor ilang linggo na ang nakalilipas, kung saan magkakasama ang pamilya Abrenica at pamilya Padilla sa bahay ng huli.


Stories We Are Tracking

Aljur, Robin cross paths at a family dinner
Aljur, Robin cross paths at a family dinner
Celebs express support for Aljur-Robin reconciliation
Celebs express support for Aljur-Robin reconciliation
Robin Padilla finally buries the hatchet with Aljur Abrenica
Robin Padilla finally buries the hatchet with Aljur Abrenica
Aljur, Robin apologize to each other during family dinner
Aljur, Robin apologize to each other during family dinner

Lahad ni Vin, “Yun, di pumunta kami dun, namanhikan kami—yun ang tamang term sa Filipino.

“It’s a wonderful experience, first time sa family namin.

“Hindi ko ma-explain as a Filipino, ganun pala. Parang, ‘Wow!’

“Sobra, ang sarap sa pakiramdam na pinaramdaman sa amin nila Tito Robin na sobrang welcomed kami.

“Super happy talaga.”

Overwhelmed daw si Vin sa naturang karanasan at masaya rin siyang nagkaroon sila ng isang extended family.

“Lahat nagkasundo, as in during dinner, lahat nag-uusap-usap lahat.

“Hindi pa makapag-sink in na, ‘Wow, this will be our family, ito family natin itong lahat.’

“Ang sarap sa pakiramdam!

“Sobrang saya ko na nadagdagan yung family, na I can call Robin my dad.

“Sobrang saya na nakilala ko na rin yung part ng family niya, ‘tapos yung mga sibling din.

"And the fact na magkakasundo na ang lahat, walang problema, okay ang lahat...

“Ang saya lang sa pakiramdam na magkakausap lahat.”

Dahil sa nangyari, may ideya na raw si Vin kung siya naman ang mamamanhikan.

“Si Kuya ang first, siya ang panganay. I have the idea na kung paano, ano ang gagawin of ever.”

May alam na ba siyang detalye tungkol sa kasal ng kanyang Kuya Aljur at ni Kylie?

“Wala pa, siguro wala pa akong balita,” tugon ni Vin.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Vin sa launching ng Star Magic Coffeetable book, na ginanap sa 9501 restaurant ng ABS-CBN kahapon, March 4.

NO RECONCILIATION. Inusisa rin ng PEP.ph si Vin tungkol sa larawang lumabas kung saan magkasama sila ng ex-girlfriend na si Sophie Albert sa Bali, Indonesia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Vin Abrenica and Sophie Albert back together?
Vin Abrenica and Sophie Albert back together?

Nagkabalikan na ba sila?

Ayon kay Vin, “We’re all together, yung sa Bali, with our best friends, we’re all together.

“Aaminin ko naman, we’re dating, pero wala kaming girlfriend/boyfriend, wala kaming ganun.

“Gusto ko naman kung manliligaw ako, pero no, wala talaga.

“Our love is there para sa akin, we’re together as together, pero not na… alam mo yun?

“Ganun naman kami nag-decide before, that’s why we separated before was dahil sa career namin.

“Nanggaling kami sa [TV] 5 and everything is working great now na nakakapag-concentrate kami sa mga careers namin.

“We’re happy naman.”

Pagkatapos ng Wildflower, may kasunod nang proyekto si Vin sa ABS-CBN at may ginagawa rin siyang pelikula sa Star Cinema.

“Mayroon na pero hindi pa puwedeng sabihin.

"May ginagawa akong movie with Star Cinema now, ang working title is Kasal, with Derek Ramsay, Bea Alonzo, and Paulo Avelino.

“I’m going to play the part na assistant ni Derek.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN