Ethel Booba gets emotional while introducing new boyfriend

IMAGE Screengrab from Gandang Gabi Vice

Ethel Booba reveals some of her friends are bullying her because of her new boyfriend, Jessie, who has long been separated from his estranged wife. "Ayaw kong tawagin na kabit. Hindi ko naman ginusto na magkaroon ng boyfriend na may asawa, nagkataon lang."


Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakilala ni Ethel Booba ang bago niyang boyfriend sa episode ng Gandang Gabi Vice kagabi, March 5.

Ayon kay Ethel, nakilala niya ang boyfriend na si Jessie habang nagbabakasyon siya sa Boracay.

“Naa-attract ako sa kanya.

“Nagulat ako kung ano ang trabaho niya, kasi nung nakita ko siya, naka-tsinelas, naka-shorts.

“Chef pala siya sa Boracay.”

Nagtatrabaho si Jessie sa isang kilalang hotel sa Boracay.

Ngunit agad daw siyang nag-resign nang umuwi na ng Maynila si Ethel upang hindi mahirapan sa kanilang relasyon.

Tinanong ni Vice Ganda si Jessie kung ano ang nagustuhan nito sa kaibigang komedyana.

Sagot niya, “Sincere siya as a person.

“At first, siyempre, na-excite ako nang nakita ko siya in person.

“Kasi party-party, I was drinking with friends. Then, suddenly, bigla siyang dumating.

“Na-starstruck, parang ganun. Ang ganda niya, e.”

Matapos ipahayag ni Jessie ang kanyang pagmamahal kay Ethel, pinayuhan siya ni Vice na alagaan nang mabuti ang matalik na kaibigan.

Aniya, “Gusto ko lang sabihin sa 'yo na si Ethel Booba, ang dami na niyang pinagdaanan, she's so fragile.

“Sa dami ng pinagdaanan ni Ethel, ang dami na niyang lamat.

“Kapag nagkamali ka pa, baka tuluyan na siyang mabasag. Kaya iingatan mo siya.”

Sagot naman ni Jessy, “Nag-usap naman kami last time, kung saan tayo nagsimula, doon lang tayo magsisimula.

"Kung ano yung past, huwag nang... mas mahirap kasi..."

“AYAW KONG TAWAGIN NA KABIT.” Sa puntong ito, naging emosyunal si Ethel at hindi napigilan ang sariling aminin ang estado ng kanilang relasyon.

Pahayag ni Ethel, “'Yan ang gustung-gusto ko na narinig, yung kung saan lang kami nagkakilala, doon lang.”

Para kay Ethel, nais sana niyang si Jessie na ang matagal na niyang ipinagdarasal.

“Ganito lang yung character ko, ganito ako, parang walwal talaga, palaban.

“Hindi naman ako masamang tao, pero meron akong ipinagdadasal na, sana... Sana tayo na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ay hindi na napigilan ni Ethel ang maluha dahil sa umano'y bansag sa kanya ng ilang kaibigan simula nang maging sila ni Jessie.

“Ayaw kong tawagin na kabit,” sambit niya.

“Hindi ko naman ginusto na magkaroon ng boyfriend na may asawa, nagkataon lang.

“Kasi binu-bully ako ng ibang friend ko na, 'Kabit ka.' Kasi nga, hindi ko alam, e.”

Inamin ni Jessie na may asawa siya, ngunit mahigit sampung taon na raw silang hiwalay.

Tinanong ni Vice si Jessie kung legally separated na sila ng kanyang estranged wife.

Sagot ni Jessy, “Nagko-consult naman, e...”

Gayunman, patuloy pa ring nananalangin si Ethel para sa kanilang relasyon.

“Yun yung pinapanalangin ko na sana... Sabi ko, minsan lang 'to, e, so tuwang-tuwa ako.”

Sa huli, muling ipinaalala ni Vice kay Jessie, “Don't break her heart again. She's been broken so many times already.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN