Iñigo Pascual to haters: "Salamat sa time at effort na ginagawa n'yo para lang siraan ako."

IMAGE Courtesy of Star Magic

Iñigo Pascual doesn't get bothered by haters anymore, "Salamat sa time at effort na ginagawa n'yo para lang siraan ako."


Idinaan na lang ni Iñigo Pascual sa Twitter post ang reaksiyon sa ginagawa ng kanyang haters.

Kahapon, March 5, nag-post ang binatang anak ni Piolo Pascual ng “pasasalamat” sa bashers dahil, aniya, “Biruin mo sobrang invested sila sayo. Naghahanap sila ng butas para siraan ka lang.”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iñigo tungkol sa konteksto ng kanyang tweet nang sandali namin siyang makausap bago ang launch ng Star Magic Coffee Table Book kahapon.

Nag-umpisa raw ito nang mabanggit ng kanyang tiyahin na may haters siyang nagko-comment sa personal na account nito.

“Yung tita ko, parang nag-message sa akin... Siyempre, my family, they're not used to those type of things.

“This morning, parang nakita niya na may nagba-bash sa akin sa Instagram niya or something.

“Sinabi niya sa akin na re-reply-an niya. Sabi ko naman, huwag na.”

Hindi naman nilinaw ni Iñigo kung anong klase ng paninira ang ginawa ng bashers sa post ng tiyahin niya.

HANDLING BASHERS. Gayunman, katulad ng kanyang Twitter post, sinabi na lang daw ng young Kapamilya singer na huwag nang bigyang pansin ang mga katulad nila.

Patuloy ni Iñigo, “Ako naman, I don't even get bothered by it.

“Sabi ko kay Tita, these people, isipin mo na lang yung time na ibinibigay nila para siraan ka lang.

“Pero hindi mo naman oras yung nagagamit, so bakit ka maba-bother?

“Ginagamit nila yung oras nila para pag-isipan ka. Yun lang kaya na-tweet ko yung kanina.”

Dagdag pa niya, “Nakakatawa kasi talagang umabot pa sa tita ko.

“Talagang sabi ko, nag-research pa kayo, ha.

“Salamat sa time at effort na ginagawa n'yo para lang siraan ako.

“Thank you because they give time to it, a lot of time to get to know us.

“They probably know us more than fans do, you know what I mean.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon daw ang natutunan na ni Iñigo kung paano ang gagawin kapag may nakikita siyang hate messages.

“It's part of it. Kailangan mo lang matutunan kung paano i-handle.

“Masaya ka naman sa ginagawa mo kapag masaya ka sa anumang blessings na meron.

“Hindi ka na maba-bother by it,” sabi niya.

Isa sa mga ipinagpapasalamat ngayon ni Iñigo ay ang pagiging nominado niya sa Favorite Pinoy Newbie category ng Nickelodeon Kids' Choice Awards 2018.

Sabi ni Iñigo tungkol dito, "Sobrang saya.

"Of course, it's a big blessing and I'm happy that I'm also nominated alongside Loisa [Andalio] and Joshua [Garcia].

“Masaya ako na napapansin ang Pinoy internationally, to be nominated is already a blessing. Forever grateful ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN