Shaina Magdayao explains intimate photo with Piolo Pascual taken in Berlin

IMAGE Instagram photo of FDCP

Shaina Magdayao on Piolo Pascual: "We'll remain friends for a long time."


Nagulat lang daw si Shaina Magdayao kaya napayakap siya kay Piolo Pascual nang magkita sila sa red carpet premiere ng Ang Panahon Ng Halimaw sa 68th Berlin International Film Festival noong Pebrero.

Naging usap-usapan, lalo na sa fans ng tambalang #ShaiLo, ang larawan nilang magkayakap, na nai-post sa Instagram account ng Film Development Council of the Philippines.

“Nagulat ako kasi sabi niya he didn’t make it sa flight.

“Apparently, the joke was on me.

“Everyone knew na he made it, nandoon naman siya.

“Kaya ganun na lang kami sa red carpet,” sabi ni Shaina nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News bago ang launch ng Star Magic coffee table book kahapon, March 4.

Sina Shaina at Piolo ang mga pangunahing aktor sa pelikulang itong idinirek ni Lav Diaz.

Bago ito, magkasama ring um-attend sina Shaina at Piolo sa National Bible Day.

Narito ang kanilang larawan kasama ang mag-asawang Dr. Vicki Belo at Hayden Kho:

Bagamat tikom ang bibig nina Shaina at Piolo tungkol sa estado ng kanilang relasyon, hindi maiwasang makapukaw ng pansin ang pagiging inseparable nila sa ginanap na launch kahapon.


Sa nakaraang panayam kay Shaina sa Magandang Buhay noong January 10, sinabi niya tungkol sa relasyon nila ni Piolo, “We are friends now and I think we will be friends for a long time. We’ll remain friends for a long time.”


Stories We Are Tracking

Piolo reacts strongly to 'gamitan issue' with Shaina
Piolo reacts strongly to 'gamitan issue' with Shaina
Piolo keeps mum about relationship with Shaina
Piolo keeps mum about relationship with Shaina


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN