Angeline Quinto on Regine Velasquez's 'fading' stardom: "Kahit sino walang puwedeng pumalit sa kanya."

IMAGE Noel Orsal

Angeline Quinto says she can't help but react to those who say Regine Velasquez's stardom is starting to fade. She told PEP.ph, "Siyempre, pag nakikita ko yung ganyang balita, gusto kong sumagot sa mga comments. Honestly, gusto ko pong sumagot na wala na pong dapat patunayan ang isang Asia's Songbird."


Tila hindi makapaniwala si Angeline Quinto sa ginawang pagtanggap ni Regine Velasquez tungkol sa pagbaba ng kanyang popularidad.

Nasulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panayam kay Regine kung saan sinabi ng Asia's Songbird na nararamdaman niyang hindi na siya kasing sikat gaya dati.

Kuha ang panayam sa ikalawang mediacon para sa Valentine concert nila nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Erik Santos, ang #Pa-MORE, na ginanap noong February 10 sa MOA Arena.


Stories We Are Tracking

Regine Velasquez on losing stardom:
Regine Velasquez on losing stardom: "Accepted ko na yun."

Gulat na reaksiyon ni Angeline, “May nabasa akong ganun, pero actually hindi ko napanood o nabasa kung ano yung sinabi ni Miss Reg [palayaw ni Regine].

“Actually, nag-start po 'yan sa #Pa-MORE, nanood kasi ako niyan, e."

Komento ng Kapamilya singer ukol sa pag-amin ni Regine, “Siyempre, pag nakikita ko yung ganyang balita, gusto kong sumagot sa mga comments.

“Honestly, gusto ko pong sumagot na wala na pong dapat patunayan ang isang Asia’s Songbird.

“Kumbaga, kahit sinong dumating na kahit sinong bago na gustong pumalit kay Miss Regine, hindi mangyayari yun, e.

"Siya na yun talaga, e.

“Kumbaga, ako, honestly, malaking impluwensiya sa akin ni Miss Regine Velasquez.

"Kaya kahit sino, walang puwedeng pumalit sa kanya."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Angeline sa presscon para sa contract artists ng Cornerstone Entertainment, Inc. na ginanap sa Luxent Hotel, Quezon City, kagabi, March 5.

Sa presscon ay ipinaalam sa media ang upcoming concert productions ng Cornerstone Concerts.

Isa sa magsu-show ay si Angeline.

Makakasama niya sina Yeng Constantino, Kyla, at KZ Tandingan sa second staging ng Divas Live II at the Big Dome sa November ng taong ito.

REGINE'S STRUGGLE. Nag-post ni Regine sa kanyang Instagram noong February 19 kung saan makikita ang aerial view ng 30th anniversary concert niya sa MOA Arena noong October 2017, ang R3.0.

Sinabi ni Regine sa caption na may mga pagkakataong struggle sa kanya ang pag-awit, lalo na sa high notes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng 47-year-old singer, “Out of all my concerts this concert is one of the most memorable ones, well aside from Silver. My voice was not in its top condition, I was struggling most of my songs.

“But because I struggle so much now whenever I sing it made me love singing even more. Sure I get frustrated and at times nahihiya ako kasi you guys deserve so much more that what I am able to give. So I just want to say thank you again to everybody who watched #R3.0

“Thank you again for being with me through my struggles and most of all, thank you for being with me for the past 30 years. I hope that you watch the part 2 next Sunday. #ToGodbetheGlory goodnate.”

Naging viral din ang nakunang video sa isang performance ni Regine sa #Pa-MORE kung saan maririnig ang pagbasag ng boses niya sa ilang high notes ng awiting “Never Enough,” isang kanta mula sa Hollywood musical film na The Greatest Showman.

Naging usapan-usapan din ang madalas na pagsabit ng boses ni Regine sa mga kanta nito sa ilang shows niya, na nakukuhanan ng video at ipinu-post sa YouTube at iba pang social media platforms.

Komento rito ni Angeline, “Para sa akin po, kasi fan ako ni Miss Regine Velasquez.

“Kaya po siguro kahit matandang-matanda na si Miss Reg at kumakanta pa rin siya entablado, tatayo pa rin ako para palakpakan siya. Ganun ko siya kamahal, sobra.

“At I’m sure na hindi lang kayo ang may alam nun kundi maraming tao na si Regine Velasquez ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagpursige sa mga amateur singing contest.

"Mapa-promise ko yun na kahit siya na yung pinakamatandang kumakanta, talagang papanoorin ko pa rin siya."

Nagbigay naman ng posibleng paliwanag si Angeline ukol sa pagkabasag ng boses ni Regine sa ilang pagkakataon. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Kasi siyempre, sigurado ako na mahirap rin yun for Miss Reg.

“Unang-una, nagkasakit siya, di ba?

“Yung acid reflux, 'yan ang unang-unang kalaban ng mga singers. Ultimong si Erik [Santos] may ganun.

“So, alam ko kung gaano kahirap sa isang mang-aawit kapag tinamaan ka ng ganyang sakit.

“Buti na nga lang ako wala pa at ayaw kong magkaroon din.”

Ang acid reflux ay nangyayari kapag ang acid sa tiyan ay umaakyat na sa esophagus. Nagdudulot ito ng heartburn o paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga.

Patuloy ni Angeline, “So, kadalasan po, kahit nasa kundisyon ang boses mo, pero kapag umatake ang acid reflux mo, ang hirap.

“Yun lang masasabi ko, kasi yung doktor ko, yun din ang sinasabi sa akin.”

Nakakausap niya ba si Regine tungkol sa hinaing nito minsan sa pagkanta?

Mabilis na sagot ng Kapamilya artist, “Hindi ko siya nakakausap tungkol sa ganun.

“Sa kaibigan kong bakla, parang nalaman ko na nag-post siya ng ganun.

“Kasi si Miss Reg, ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya at minahal ng mga tao, e, napaka-honest niya.

“Kasi yun naman ang dapat. Dapat maging honest ka sa mga audience mo para at least maiintindihan nila kung nahihirapan ka.”

Hindi naniniwala si Angeline na posibleng dumating ang panahong ipahinga muna ni Regine ang kanyang boses sa likod ng kamera.

“Siguro malulungkot ako nun,” sabi ng 28 year-old recording star.

Dugtong pa niya, “Kasi si Miss Reg, sinasabi niya kung ano yung totoo at kung ano yung nararamdaman niya.

“So, siguro kung gagawin man ni Miss Reg yun, para sa sarili niya. 

“Bigyan niya ng oras ang sarili niya, yung family niya.

“Pero sa pagkakakilala ko kay Miss Regine, siguro hindi po aabot sa ganun.

“Kasi si Miss Reg, grabe, parang buhay na niya ang pagkanta.

“Siguro kahit sabihin pa ng doktor na magpahinga muna siya, kakanta pa rin siya. Ganun niya kamahal ang pagkanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang talagang hinangaan ko sa kanya. Walang makakapigil sa Asia’s Songbird.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN