Mariel de Leon changes her mind about joining showbiz after working with Coco Martin

IMAGE Gorgy Rula

Mariel de Leon on changing her mind about acting: "I know I said before sa mga interviews na ayaw kong mag-acting o mag-showbiz. I think, I said that before because I was scared... the life of an actor kasi... Pero after nung Panday… since I had fun in Panday, parang it opened up my mind to try acting more."


Nagpapasalamat si Mariel de Leon kay Coco Martin at sa mga kasamahan niya sa MMFF 2017 entry na Ang Panday dahil dito nabago ang desisyon niyang mag-focus na sa pag-aartista.

Dati kasi ay sinasabi ni Mariel na ayaw niyang sundan ang mga magulang niya sa showbiz dahil nakikita raw niyang mahirap ang trabaho ng isang artista.

Pero pagkatapos niyang mapasama sa Ang Panday, nag-iba siya ng pananaw at gusto na niya ngayong mag-artista.

Si Mariel ay anak ng mga beteranong artista na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Ngayong malapit nang matapos ang reign niya bilang Bb. Pilipinas-International 2017, magku-concentrate na raw siya sa pag-arte.

Kaya pumirma na siya ng kontrata sa LVD Management, ang consultancy services ni Leo Dominguez na siyang magha-handle ng kanyang showbiz career.

Pahayag ni Mariel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I know I said before sa mga interviews na ayaw kong mag-acting o mag-showbiz.

“I think, I said that before because I was scared... the life of an actor kasi.

“I saw it with my parents na they’re always going home late, and super-tiring yung ginagawa nila.

“Pero after nung Panday… since I had fun in Panday, parang it opened up my mind to try acting more.”

THANKS TO COCO. Nagpapasalamat si Mariel kay Coco at sa mga kasamahan sa naturang pelikula dahil napaka-supportive daw ng mga ito.

Saad ng 24-year-old beauty queen-turned-actress, “Nabago, e. Kasi everyone sa set, they’re very nice to me.

“They were patient dahil baguhan ako. They were teaching me sometimes on how to say the lines, on how to act or react. 

“So, I think it, like, opened the spark in me to learn more about acting.

“And, I think, I would have fun naman as long as I’m with good people.”

Masuwerte lang daw siya dahil si Coco ang unang nakatrabaho niya sa isang full-length movie na ginawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He made sure na we were always taken cared of sa set,” pakli pa ni Mariel.

Sa ngayon, naghahanda na si Mariel sa isang challenging role na gagampanan niya sa pelikulang Latay ng BG Productions na ididirek ni Ralston Jover.

Makakasama niya rito sina Lovi Poe at Allen Dizon.

Pero kung si Mariel ang masusunod, gusto rin niyang makasama sa isang film project si Piolo Pascual o kaya si Liza Soberano, at ang mga aktres na sina Angelica Panganiban at Judy Ann Santos.

Paliwanag niya, “I like to work more with girls. Kasi, I wanna see, like, strong women roles.

“Kasi, what I notice is lacking ng… yung love team. Basta I want to portray strong role for girls.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN