Angeline Quinto admits undergoing cosmetic surgeries; denies nose job

IMAGE Noel Orsal

Angeline Quinto denies having a nose job, but admits she's looking into getting one. She did admit getting a liposuction and undergoing a breast reduction procedure.


Iginiit ni Angeline Quinto na hindi pa siya desididong ipaayos ang kanyang ilong.

Nag-ugat ang posibilidad na pagpaparetoke ng singer-actress sa palitan nila ng mensahe ng isa niyang follower sa Twitter na nagtanong tungkol sa kanyang ilong.

Pinuri ng follower ni Angeline ang kanyang ilong, kasunod ang tanong kung saan niya ito ipinagawa.

Nangyari ang palitan nila ng tweets noong February 9, 2018.

@LoisaGarcia4, “Girl san mo pala pinagawa ilong mo gayahin ko sana salamat idol.”

Sinakyan naman ito ni Angeline at sumagot ng: “Papagawa ko pa lang siguro next month [March]. Basta this year papa consult pa lang ako sa doctor. Balitaan kita agad.”

Tila hindi kumbinsido ang follower na wala pang retoke ang ilong ni Angeline.

@LoisaGarcia4, "Girl ganda talaga ng pagkakagawa ng nose nyo like it."

Kaya sumagot uli si Angeline at pinangalanan ang doktor na posibleng gagawa ng kanyang ilong.

“Basta sa Belo po ang doctor,” sabi pa niya,

“Dr. Yap yata. Siya kasi ang magaling sa Nose.

"Baka sakaling magpa-trim ako ng nose pero hindi magpapatangos kasi may bridge naman. So baka trim lang.”

Natawa si Angeline sa pagpapaalala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa usapan nila ng nasabing netizen sa Twitter.

“Ang nice naman ng sagot ko sa kanya doon,” nangingiti pang bulalas ng singer.

Inamin ni Angeline na nagkaroon siya ng interes na ipaayos sana ang kanyang ilong.

“Totoo, hindi ko alam kung parang four years ago nag-consult talaga ako sa Belo.

"Kasi gusto ko rin talaga na maging... hindi naman maging perfect yung ilong ko.

“Naiinggit lang ako sa mga ibang artista na ipinanganak yung ganung ilong, pointed agad.

“Baka puwede akong mag-consult sa doktor, papa-trim lang ako.

“E, hindi po natuloy. Kasi nagkaroon lang ako ng biglaang trabaho na baka hindi abutin kung gagaling yun.

“Nag-try uli ako na magsabi kay Dr. Belo pero hindi pa kami nag-uusap nang personal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “Pero gusto ko sana.

"Pero kasi natatakot ako, marami kasing nagsasabi na, 'Bakit mo gagawin?

“'E, ngayon pa lang hindi ka pa nagpapagawa ng ilong gano'n na ang sinasabi sa'yo ng mga tao.

“'So, what more kung totoong gawin mo?' So yun lang po.”

Nakapanayam ng PEP si Angeline sa mediacon na ipinatawag ng Conerstone Entertainment Inc. para sa kanilang contract artists.

Ginanap ang presscon sa Luxent Hotel, Quezon Cit,  Lunes ng gabi, March 5.

ANGELINE'S WORRIES. Isa sa mga inaalala ng 28 year-old-recording artist ay ang maaaring maging pagbabago sa kanyang singing voice kapag nagpaayos siya ng ilong.

Kuwento ni Angeline, “Yung voice coach ko, tinanong ko siya, 'Doc, kung sakaling magpa-trim ako ng nose, maaapektuhan po ba ang singing ko?'

“Ang sabi ng doktor ko sa akin, 'Honestly, wala namang epekto yun. Basta huwag lang mangyari na merong part sa ilong mo na masyadong manipisan.'

"So, ayun lang po. Medyo natatakot po ang loob ko.

“Saka baka magalit ang Diyos sa akin na, 'Hindi ka kuntento sa ibinigay ko sa 'yo?' 

“Sa totoo lang, sa totoo po, every time na pupunta ako ng Belo may mga client na nagtatanong sa akin kung ipinagawa ko ba ang ilong ko.

“Siyempre, matapang akong sasagot kasi na hindi naman talaga.

“Dyusme, hindi nga ako makahanap ng isang linggong pahinga, parang magpapagawa pa ako ng ilong?!"

LIPOSUCTION. Biglang inamin ni Angeline ang pag-undergo niya ng isang fat reduction surgical procedure.

“Aminado akong nagpa-lipo ako,” walang alinlangan niyang sabi.

“Pero kung sa nose.. lalaban ako nang patayan.

“Suntukin niyo ako nang harapan kung mababali ang ilong ko.

“Hindi, totoo lang. Hindi ako naiinis na hindi mawala-wala yung isyu na ganun [nose job].

"Pero kung yun ang totoo, papatunayan ko yun sa kanila.

“Yung lipo, mga four years ago na po. May record po yung sa Belo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang ano yun, alam naman ng mga tao. And after nun, sa mata po…

“Pareho kami ni Ate Vice!” natatawa niyang pagtuko sa kapwa Kapamilya star na si Vice Ganda.

“Ewan ko, nag-inggitan kaming dalawa,” sabay bungisngis niya.

Ayon kay Angeline, nagpa-deep set siya sa kanyang eyelid.

Nang tanungin kung natuloy na ba ang bust reduction niya, mabilis na sumagot ang singer-actress.

“Ano ba, tapos na.”

Kailan siya nagpabawas? 

“Three years na ano! Almost three years na po,” agad nyang sagot.

Ipinaliwanag ni Angeline ang rason kung bakit siya nagpabawas ng boobs.

“Medyo nahihirapan na din po ako pag ASAP.

"Siyempre, every Sunday po kaming nasa ASAP.

"Dumadating po kami sa point na sobrang fit na yung gown sa katawan ko, pero pagdating dito [sa dibdib], mahirap."

Mula sa dating sukat na 36-inch Cup D ay naging 36-inch Cup B na lang ang sukat ng kanyang dibdib.

“Yun din po ang iniisip nila na nagpagawa ng ilong, e, kabaliktaran naman din.

“'Tapos kabaliktarin din na nagpadagdag ng boobs, e, nagpabawas nga ako.

“So, yun ang sinasabi ko na gusto kong malaman ng tao yung totoo.”

ON SHOWING OFF HER BODY. Natawa si Angeline sa komentong dapat na siyang mag-bathing suit at i-post niya ito sa social media dahil maganda na ang pagkakaayos ng kanyang katawan.

Tanong niya, “Gusto ko yung inayos, bakit magulo ba noon? Hahaha!”

Patuloy niya, “Sa totoo lang, gustung-gusto ko po yun.

“Kung gagawin ko 'yan, sa swimming pool na rin lang sa bahay.

“Tutal summer na rin naman na.

“Siguro... ayaw ko namang makipagsabayan sa mga perpektong katawan. Sila na yun, e.”

Kamakailan, nag-post sa Instagram in her two-piece bikini si Yeng Constantino na kapwa niya Cornerstone Productions artist. Ito ay kuha sa nakaraang bakasyon nito sa Palawan kasama ang kanyang mister.

“Si Yenggay [palayaw ni Yeng] maganda ang katawan, e...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, makinis lang, pero...” pabiro niyang sinabi sabay tawa.

“Kung kailan man ako mabibiyayaan ng lakas ng loob niyan, baka bukas na?

“Kasi magba-Balesin kami ni Yeng bukas na. Kung mauto ako ni Yeng na gayahin na ang ginawa nya sa El Nido, why not?”

Kahapon, March 5, kasama nina Angeline at Yeng na nagtungo sa Balesin Island Club sa Quezon si Erik Santos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN