Mariel de Leon on Bb. Pilipinas 2018 candidates: "Ayoko yung pinaka-popular... I like the dark horse."

IMAGE Noel Orsal

Mariel de Leon on her more controlled social media posts: "I still post, but I'm more careful na. It's more of respect towards my parents. Of course, I don't want them to get hurt with people saying about me, and about them."


Malapit nang i-relinquish ni Mariel de Leon ang kanyang korona bilang Bb. Pilipinas-International 2017.

Gaganapin ang grand coronation ng Binibining Pilipinas 2018 sa Linggo, March 18, sa Araneta Coliseum.

Natutuwa si Mariel sa magagandang lineup ngayon ng Binibining Pilipinas.

Pero hindi raw niya napagtuunan ang mga malakas na pinag-uusapang magwawagi.

Malalakas naman daw ang popular candidates, pero mas gusto niya yung hindi gaanong pinag-uusapan pero malaki ang posibilidad na manalo.

Pahayag ni Mariel, “I like a good underdog.

"Ayoko yung pinaka-popular… I like the dark horse, I think, as they say.

“I like Sandra Lemonon, Candidate No. 35 yata.

“'Tapos yung number 21… I don’t know her name.

"Kasi true Filipina beauty yung No. 21."

Ang tinutukoy ni Mariel na si Candidate no. 21 ay si Anjame Magbitang.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mariel sa contract signing niya sa LVD Management, ang consultancy services ni Leo Dominguez, kahapon, Marso 5.

BEST MOMENT. Itinuturing ni Mariel na "the best" na bahagi ng buhay niya ang coronation night ng Binibining Pilipinas noong 2017.

Saad ng anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong, “Parang life-changing talaga siya.

“Kasi, before Binibini, my whole life, I was sheltered—always either at home or close friends lang.

“Hindi masyadong exposed sa mga showbiz or pageant stuff, which is weird, kasi both my parents are actors.

“Pero growing up, they made sure na sheltered kami.

“So, going into Binibini and getting exposed in that way, especially after Binibini, it changed me and it was...

“Hindi naman painful, but it was new, it was something to get used to.

“I think it changed me for the better because it taught me how to be more sure of myself and more aware... and made me stronger, definitely.

“Kasi, I never experienced anything that intense in my life, so it made me stronger.”

THE WORST MOMENT. Marami raw magagandang bagay na dumating sa buhay ni Mariel, pero nang tinanong namin ang worst na nangyari sa kanya pagkatapos niyang koronahan, ito raw ay ang matinding bashing na natanggap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “The worst was online bashing.

“But I learned to accept it kasi it’s part of being in showbiz, e.

“You can never please everyone naman.”

Naka-deactivate na kanyang Instagram account at Twitter na lang ang iniwan niya.

Patuloy pa rin naman daw siya sa pagtu-tweet at maglabas ng sarili niyang pananaw, pero may kontrol na raw siya ngayon.

Sabi ni Mariel, “I still post, but I’m more careful na.

“It’s more of respect towards my parents.

“Of course, I don’t want them to get hurt with people saying about me, and about them.

“So, I post carefully now, because I want to take care of my family and my friends.” 


Stories We Are Tracking

Mariel de Leon thumbs down Mocha Uson's appointment
Mariel de Leon thumbs down Mocha Uson's appointment
Mariel de Leon slams TRO on contraceptives
Mariel de Leon slams TRO on contraceptives
Mariel de Leon, Mayor Sara involved in social media war?
Mariel de Leon, Mayor Sara involved in social media war?
Mariel de Leon denies making a face at Mayor Sara Duterte
Mariel de Leon denies making a face at Mayor Sara Duterte


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN