Kristoffer Martin and former screen partner Kathryn Bernardo still greet each other

IMAGE Noel Orsal

Unknown to many, Kathryn Bernardo and Kristoffer Martin became onscreen partners in the Pinoy adaptation of the hit Koreanovela Endless Love of GMA Network. They played the young Marian Rivera and Dingdong Dantes.


Natutuwa si Kristoffer Martin sa kasikatang tinatamo ngayon ni Kathryn Bernardo.

Nagkapareha ang dalawa sa Endless Love, ang Filipino adaptation ng GMA-7 Koreanovela noong 2010 kung saan gumanap sila bilang mga batang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Pagkatapos maipalabas sa teleserye, nanatili sa Kapuso Network si Kristoffer.

Si Kathryn naman ay kinuha nang eksklusibong talent ng ABS-CBN.

Sabi ni Kristoffer tungkol kay Kathryn, “Happy ako sa kanya, kasi nagkikita naman kami sa mga events, nagbabatian, e.

"Hindi naman din siya yung [nang-iisnab]."

Kuwento pa niya, “Sobrang happy ko din, kasi before naman kami mag-Endless Love, sa ABS, magkaibigan na kami.

"So, wala naman akong masabi dun.

“Kasi, every time na magkikita kami sa events, kasi minsan nagkakasabay, e, nagbabatian, nangangamusta.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer sa pocket presscon para sa kanyang second music single na “Paulit-Ulit,” ang theme song ng Koreanovela na Fight For My Way sa GMA Telebabad.

Ginanap ang presscon noong February 26.

TRYING OUT SINGING. Pangalawang single ng 23-anyos na aktor at singer ang “Paulit-Ulit.”

Ang una niyang single ay ang "Sa Piling Mo."

Ayon kay Kristoffer, “Hilig ko ring kumanta. Nung high school po ako, nagsusulat rin po ako.

“Parang ginrab ko na rin ang opportunity na ibinigay sa akin ng GMA Records, Artist Center, na to sing a song, mag-sign under GMA Records.

“Ayoko naman ding iwanan yung acting, sobrang minahal ko yung acting.

"Pero habang bata pa, kaya mo pang ikutin, lahat, e, di ikutin lahat.”

Ikinuwento rin ni Kristoffer na bago pa man niya pasukin ang pag-arte at makilala sa GMA-7, nagsimula siya sa kiddie singing contest sa ABS-CBN noong 2007.  

“Nag-start po kasi ako sa singing contest, e, sa kabila... Little Big Superstar po ako nag-start.”

Twelve years old lang daw si Kristoffer nang sumali siya sa reality-based singing contest kung saan si Sarah Geronimo ang host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi man siya pinalad manalo, pero hilig pa rin daw niya ang pagkanta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN