Jak Roberto flattered to be compared by Barbie Forteza to her dad

IMAGE Noel Orsal / Instagram (inset)

Jak Roberto on relationship with girlfriend Barbie Forteza: "Ayoko po kasi ng hassle. Kapag magkasama kami, nagtatawanan lang talaga. Normal po namin yun. Lalo na yun, bungisngis yun, e."


Aminadong kinilig si Jak Roberto nang malamang taglay niya ang qualities ng lalaking gustong maging future husband ng girlfriend na si Barbie Forteza.

Nakangiting sabi ni Jak, “Naks! Nakakakilig naman yun. Flattering naman.” 

Base sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 8, inihalintulad ni Barbie si Jak sa kanyang ama na effortless daw kung mag-alaga.

Dito rin sinabi ni Barbie na gusto niyang mapangasawa balang-araw ay iyong kasing-ugali ng kanyang ama na si Antonio Forteza.


Stories We Are Tracking

Barbie Forteza opens up about relationship with Jak Roberto
Barbie Forteza opens up about relationship with Jak Roberto

Ayon kay Jak, mismong si Barbie at ina ng dalaga na si Amy Forteza ay sinasabi rin ito sa kanya.

“Pati si Tita, sabi niya, ‘Ganyang-ganyan si Daddy mo nung bata.’ Compliment naman yun.

“Sobrang mabuting tao yung daddy niya.

"Nakikita naman natin sobrang lagi niyang kasama yung daddy niya, kung paano siya as daddy, kung gaano siya kaalaga at mabuting ama.

“So, nakakatuwa na maihalintulad sa daddy niya.”

Una raw naging malapit si Jak sa mga magulang ni Barbie bago pa man niya naging sila ng dalaga.

Ito raw ang dahilan kung bakit sadyang maganda ang pakikitungo niya sa mga ito. 

Kuwento ni Jak, “Nauna ko kasing maging ka-close yung parents niya.

“Kasi meron silang pet, di ba? E, may pet din ako. May pet kami ni Sanya [Lopez, his brother].

“So, kapag pinu-post ko sa social media, nagko-comment si Tita.

"Hanggang sa naging close kami, pati kay Tito."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jak sa presscon ng Contessa, ang bagong GMA-7 afternoon drama series na magsisimulang umere sa March 19.

HAPPY RELATIONSHIP. Ito ang unang pagkakataong mas naging bukas si Jak sa pagbabahagi tungkol sa relasyon nila ni Barbie, pitong buwan mula nang unang maiulat na magkasintahan na sila.

Ayon kay Jak, sobrang gaan karelasyon si Barbie at swak ang kanilang personalidad.

“Happy naman. Madalas tawa lang kami nang tawa. So far, hindi kami nagkakaproblema.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano siya bilang boyfriend ni Barbie?

Sagot ni Jak, “Ayoko po kasi ng hassle. Kapag magkasama kami, nagtatawanan lang talaga.”

“Normal po namin yun. Lalo na yun, bungisngis yun, e.”

Unang nagkatrabaho sina Barbie at Jak sa indie film na Laut noong 2015.

Sumunod dito ay napili si Jak na maging isa sa apat na leading men ni Barbie sa Kapuso romantic-comedy series na Meant To Be, na umere mula January 9 hanggang June 23, 2017.

Sa huling bahagi ng show pinaniniwalaang nagsimulang magkagustuhan ang dalawa.

Maligayang kaarawan sayo. Okay, back to work hahaha! Galingan mo. #Tadhana

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

SUPPORTIVE GIRLFRIEND. Anong masasabi niya na first impression ni Barbie sa kanya ay mayabang?

“Oo, palagi akong nami-misinterpret na ganun. Nahihiya kasi akong mag-approach.

"Ayokong maging feeling close, so nagmumukhang mayabang."

Sa ngayon, todo-suporta sila sa isa’t isa kahit may indibidwal silang proyekto.

Nakangiting sabi ni Jak, “Hinihingan ko siya ng feedback sa mga nagagawa kong trabaho.

"Gina-guide naman niya ako kapag meron siyang mga suggestion."


Stories We Are Tracking

Jak Roberto awed by Barbie Forteza's birthday surprise
Jak Roberto awed by Barbie Forteza's birthday surprise
Jak Roberto echoes Barbie Forteza's wish:
Jak Roberto echoes Barbie Forteza's wish: "Sana magtagal."
Barbie Forteza confirms relationship with Jak Roberto
Barbie Forteza confirms relationship with Jak Roberto


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN