Baron Geisler arrested after running amok at brother-in-law's house

IMAGE Courtesy: GMA News / Regional Police Office 3 Facebook

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya sa Angeles City, Pampanga ang aktor na si Baron Geisler matapos daw itong magwala sa harap ng bahay ng kanyang bayaw.


Nakakulong ngayon sa Angeles City Police Station 3 sa Pampanga ang aktor na si Baron Geisler.

Ito ay matapos diumanong mag-amok ni Baron sa harap ng bahay ng kanyang bayaw na si Michael Robinstone Rodriguez Morales, asawa ng kapatid niyang si Grace.

Sa Facebook post ng Regional Police Information Office ng Police Regional Office 3 ngayong Martes, March 6, sinabi ritong nasa kustodiya na nila si Baron.

“Actor Baron Frederick Von GEISLER was arrested by police authorities after going amuck in front of his brother-in-law’s house in Brgy. Pulung Maragul, Angeles City, Monday afternoon (March 5).

“Responding personnel of Angeles City Police Station 3 arrested GEISLER after receiving reports from his brother-in-law identified as Michael Robin Stone Morales, legal age, businessman and resident of said place that the actor while holding a kitchen knife went amuck and threatened to kill him.

“Cases for Grave Threats, Alarms and Scandals and Violation of B.P. 6 (Illegal Possession of Deadly Weapons) were filed against GEISLER.

"He is now temporarily under the custody of Angeles City Police Station 3."

Noong Sabado, March 3, sinabi ni Baron na binugbog umano siya ng kanyang brother-in-law.

"Family matters" daw ang dahilan ng kanyang pagkakabugbog, base na rin sa inilahad niyang salaysay sa pulisya.


Stories We Are Tracking

Baron Geisler claims he got beaten up by his brother-in law
Baron Geisler claims he got beaten up by his brother-in law

Ngunit sa isang Facebook live naman kinagabihan, inakusahan ni Michael si Baron ng pambabastos at panggugulo sa kanila at sa neighborhood nila.


Stories We Are Tracking

Baron's brother-in-law: 'You deserve every punch I gave you'
Baron's brother-in-law: 'You deserve every punch I gave you'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN