Angel Locsin gets bashed by members of all-female group after red buzzer on PGT

IMAGE Screen grab from Pilipinas Got Talent

Angel Locsin: "Ladies, stop using derogatory remarks against each other. As women, we need to stick together to empower us collectively. I vote we stop the girl-on-girl crime!"


Kumalat sa iba't ibang blogsites ang pagbatikos ng ilang miyembro ng all-female dance group na Playgirls kay Angel Locsin.

Ang Playgirls ay isa sa mga nag-audition sa episode ng ABS-CBN talent search na Pilipinas Got Talent noong Sabado, March 3.

Ang talent na ipinakita nila ay ang pagka-carwash habang sumasayaw at nakasuot ng underwear.

Hindi ito ikinatuwa ni Angel, na maagang pumindot ng red buzzer bilang pagpapakita ng hindi pagpabor sa talento ng grupo.

Sabi pa ng 33-anyos na aktres sa kanyang komento pagkatapos ng performance ng Playgirls, "Talent ang hinahanap namin dito hindi katawan." 

Ayaw raw niyang ma-objectify ang apat na kababaihan dahil sa kanilang pananamit at pagsasayaw.


Stories We Are Tracking

Angel responds to
Angel responds to "slut-shaming" accusation over PGT episode

PLAYGIRLS MEMBERS. Noong Sabado rin, nag-post sa Facebook ang ilang miyembro ng Playgirls upang ihayag ang kanilang saloobin sa naging reaksiyon ni Angel.

Sabi ni Camsi: “Walanjo bakit umiyak yun? pasalamat ka nga nagBra at Panty pa kami Ikaw nga jan nagDarna, may Nude Picture ka pa na halos hubad na.. Buti sa balat namin Concern ka sa sarili mong balat wala.”

Gumanap bilang Pinay superhero si Angel sa fantaserye ng GMA Network noong 2005.

May komento rin si Camsi na ang konsepto ng performance nila ay carwash kaya sila nagsuot ng underwear. Alangan naman daw mag-pajama sila.

Galing din daw mismo sa production staff ng show ang kanilang konsepto.

Sa Facebook account ni Camsi, mababasa pa ang unang comment, subalit burado na ang mga sumunod pang komento laban kay Angel.

Binatikos din ng miyembrong si Yuna Love Lee si Angel via social media.

Pahayag niya, “makapagsalita akala mo namn di sha nagsuot ng sexy .. nung nag darna nga sha naka brat panty lang din sha. buti nga may suot pa kming damit eh. Hahaha yoko na ! sana pala nagbestida nalang kame.”

Pero nabura na rin ang naturang comment.

Gayunpaman, may mga nakapag-screenshot ng naturang comments ng dancers at makikita ito sa blogsites.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humingi naman ng paumanhin ang kamiyembro nilang si Darlene Domingo sa mga binitawang pahayag ng kanyang mga kasama sa social media.

May status din ang ilan sa kanila dahil sa sunud-sunod na pambabatikos ng netizens dahil sa kanilang mga naging pahayag.

LADIES UNITE. Ngayong Martes, Marso 6, sa pamamagitan ng Twitter, nanawagan si Angel sa mga babaeng itigil na ang pag-aaway at pagtawag ng hindi magagandang salita laban sa isa't isa.

Mensahe ng aktres: "Ladies, stop using derogatory remarks against each other. As women, we need to stick together to empower us collectively. I vote we stop the girl-on-girl crime!"

Hindi man tinukoy ni Angel kung ano ang pinagmumulan ng pagtatalo ng kanyang followers, malinaw na may kinalaman ito sa nagong komento niya sa performance ng Playgirls.

May netizen pang umakusa kay Angel ng slut-shaming na mabilis namang sinagot ng aktres upang ipagtanggol ang sarili.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN