Rocco Nacino-Melissa Gohing relationship confirmed

IMAGE Noel Orsal / @br.araneta on Instagram

Ilang buwan na ang relasyon ng Kapuso actor na si Rocco Nacino at ng volleyball player na si Melissa Gohing, ngunit gusto raw ng dalawang panatilihing pribado ang usapin tungkol sa kanilang relasyon. 


Kinumpirma ng isang taong malapit sa aktor na si Rocco Nacino na girlfriend na nga nito ang volleyball player na si Melissa Gohing.

Noong 2017 pa raw nagsimulang mag-date ang dalawa, at ilang buwan na rin daw ang kanilang relasyon.

Ayon pa sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hangga't maaari ay gusto nina Rocco at Melissa na maging pribado ang kanilang relasyon kaya hindi sila nag-a-upload ng mga larawang magkasama sa kani-kanilang social media accounts.

Si Melissa ay dating player ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers.

Sa ngayon, siya ay naglalaro para sa Creamline Cool Smashers ng 2018 Premier Volleyball League (PVL).

Kumalat sa internet noong nakaraang linggo ang larawan nina Rocco at Melissa na kuha sa reception ng kasal ng volleyball star na si Cha Cha Cruz kay Ray Behag sa Tagaytay noong February 28.


Stories We Are Tracking

Rocco Nacino in a relationship with pro volleyball player?
Rocco Nacino in a relationship with pro volleyball player?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN