Camille Prats focuses on new chapter of her life

IMAGE Noel Orsal

Camille Prats says she will forever remember her deceased husband Anthony Linsangan. "Yung kay Anthony, given naman na yun. But with my marriage now and my family now, yun ang mas binubuhos ko talaga ang emotions and everything."


Nakaka-relate daw nang husto si Camille Prats sa karakter na kanyang ginagampanan sa bagong daytime series ng GMA Network na Ang Forever Ko'y Ikaw.

Tulad ni Camille, isa ring naulilang asawa si Ginny, na makakahanap ng bagong pag-ibig sa di inaasahang pagkakataon.

Ganito rin ang nangyari sa actress-TV host, na naulila ng kanyang unang asawang si Anthony Linsangan noong 2011, matapos itong pumanaw dahil sa nasopharyngeal cancer.

Kasama ring naulila ni Anthony ang anak nila ni Camille na si Nathan.

Ayon sa Mars host, “Yung medyo nababasa ko na yung kuwento, sabi ko nga sa kanya, 'Alam mo, medyo familiar yung mga nangyayari dito sa script.'

“Pati yung mga lines na sinasabi ko, sabi ko kay Direk.

“Sabi ko, 'Direk, yung mga scenes na nandito, parang na-feel ko siya kasi parang sobrang hawig na hawig somehow sa totoong buhay.'”

Dagdag pang kuwento ni Camille tungkol sa bago niyang TV series, “Parang ganun din ang premise ng story, si Ginny moving on from a previous marriage.

“Siyempre, may mga bagay na hindi mo kagustuhang mangyari.

“Pero siguro sa bawat tayo, may mga plano ang Diyos sa bawat isa, hindi natin alam kung ano ang gusto niya para sa atin.

"That's exactly how I felt with VJ."

Si VJ Yambao ang ikalawang asawa ni Camille. Ikinasal sila noong January 2017.

Lahad pa ni Camille tungkol sa kanila ni VJ, “It's something I didn't see coming.

“Noong kami na lang ni Nathan, I didn't have plans of being in a relationship again.

“Parang okay na rin ako na kaming dalawa lang.

“Pero siguro may magandang plano ang Diyos para sa akin at para na rin sa anak ko.

“Kaya siguro nandito na ako sa ganitong posisyon ngayon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang writers si Camille sa press conference ng Ang Forever Ko'y Ikaw noong Huwebes, March 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANTHONY WILL ALWAYS BE REMEMBERED. Bagamat may bago na siyang buhay kasama si VJ at anak nilang si Nala, na isinilang noong September 2017, sinabi ni Camille na hindi mawawala sa kanyang alaala ang yumaong asawa.

“Siguro yung part na 'yon, hindi naman yun mawawala kahit na anong mangyari.

“Naging parte yung ng buhay ko, especially because I have Nathan, and Nathan is yung pruweba nung parte na yun ng buhay ko.

“I think it will always be there and he will always be remembered, especially with Nathan.”

Gayunman, sabi ni Camille, sa pagpapatuloy ng buhay, kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang bago niyang pamilya.

“Hindi naman kasi puwedeng kalimutan. It's always going to be a part of my life,” pag-uulit niya.

“But siyempre, given that I have VJ and mas nadagdagan na rin kami sa family, parang nandun na ang focus ng buhay ko ngayon.

“But as far as with me and VJ, it's a new chapter of my life, doon ako mas nagba-bank.

“Parang emotionally, parang yun ang mas priority ko, siyempre.

“Yung kay Anthony, given naman na yun.

“But with my marriage now and my family now, yun ang mas binubuhos ko talaga ang emotions and everything.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN