Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Raymart Santiago's daughter posts messages alluding to his rumored relationship

by Rose Garcia
Mar 6, 2018
Base sa Instagram posts ng panganak na anak ni Raymart Santiago, mariin nitong tinututulan ang napapabalitang relasyon ng aktor sa non-showbiz girlfriend nitong si AC Legarda.

Nakatawag-pansin sa netizens ang posts ng Instagram user na si @superswagsab13 kahapon, March 5.

Tatlo itong quote cards na ginawang gallery:



Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos


Kapansin-pansin ding sa caption ni @superswagsab13 ay naka-tag ang Instagram accounts ng aktor na si Raymart Santiago at ng rumored girlfriend nitong si Aurora "AC" Legarda.

Buong mensahe ni @superswagsab13: "ATTENTION!! @raymartsantiago @aurora_leg YOU GUYS HAPPY NOW?"

Kapansin-pansin ding sa ibang posts ni @superswagsab13 ay makikita ang isang pamilyar na mukha sa showbiz—si Sabina Santiago.

Continue reading below ↓

Si Sabina ay ang panganay na anak ni Raymart sa estranged wife nitong si Claudine Barretto.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 124 posts, 14.1K followers, at 645 following ang nasabing Instagram account.

Kabilang sa mga nagpa-follow sa account na @superswagsab13 ay si Claudine mismo at ang Kapuso actress na si Ryza Cenon, girlfriend ng pamangkin ni Claudine na si Cholo Barretto.

Upang kumpirmahin kung kay Sabina nga ang Instagram account na @superswagsab13, nagpadala ng mensahe ang PEP.ph senior writer na si Arniel Serato kay Claudine.

Sa kanyang sagot ay kinumpirma ng aktres na sa 13-anyos na anak nga nila ni Raymart ang IG account.

"Yes, kay Sab yung account," sabi ni Claudine sa mensaheng ipinadala niya sa PEP.ph ngayong Martes ng gabi, March 6.

Kung pagbabasehan ang mga mensahe ni Sabina, malinaw na tutol ito sa napapabalitang relasyon ng kanyang ama.

Noong nakaraang linggo ay kumalat sa social media ang ilang larawan kung saan magkasama sina Raymart at AC.

Continue reading below ↓

Si AC ay nagtatrabaho bilang senior division manager ng Ayala Land, Inc. at pinsan daw ni Senator Loren Legarda.

Sina Raymart at Claudine ay ikinasal noong 2006, ngunit nagkahiwalay sila noong 2011.

Bukod sa adopted daughter nilang si Sabina, mayroon silang isang anak na lalaki, si Santino, 10.

Bukas ang PEP.ph ang panig ng mga taong nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Base sa Instagram posts ng panganak na anak ni Raymart Santiago, mariin nitong tinututulan ang napapabalitang relasyon ng aktor sa non-showbiz girlfriend nitong si AC Legarda.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results