Claudia Barretto admits having a BF but refuses to share too much info

IMAGE Noel Orsal

Claudia Barretto on keeping her love life private as much as possible: "I think that's important not to share too much. Because when you share too much, I also think you give people an opportunity to say things. And sometimes that's not so helpful or it's not always constructive, and it just hurts relationships."


Inamin ng newbie singer na si Claudia Barretto na mayroon na siyang boyfriend.

Si Claudia ang ikalawa sa tatlong anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Ang dalawa pa ay sina Julia at Leon.

“I have a boyfriend,” pag-amin ng 18-year-old recording artist, kasunod ng pagsasabing non-showbiz ito.

“[He's a] very private person...” dugtong pa niya.

Ilang taon na rin ang relasyon ni Claudia sa kanyang boyfriend na si Basti Lorenzo, anak ng businessman at operations specialist na si Martin Lorenzo.

Nang mabanggit na ang manliligaw ngayon ni Erich Gonzales ay related sa boyfriend niya, hindi halos makapaniwala si Claudia.

“Really?” bulalas niya.

“Maybe ask her, I’m not so sure.”

Tumanggi nang magbigay ng iba pang detalye si Claudia sa kanyang love life dahil gusto raw niyang manatili itong pribado.

Tinanong ng PEP.ph si Claudia kung ano ang pagkakaiba nila ng kanyang Ate Julia ngayong pareho silang in a relationship. 

Ang boyfriend ni Julia ay ang Kapamilya young actor na si Joshua Garcia.

Sagot ng dalaga, “I think, we’re different but the same.

“We’re very honest with our feelings, but at the same time also, we like to preserve certain parts of our relationships to ourselves.

“Yeah, I think certain parts of our relationship should be private so that you can really flourish and grow as a person.”

Patuloy ni Claudia, “I think that’s important not to share too much.

“Because when you share too much, I also think you give people an opportunity to say things.

“And sometimes that’s not so helpful or it's not always constructive, and it just hurts relationships.”

Showy rin ba siya feelings niya sa kanyang boyfriend?

Nakangiting sabi ni Claudia, “Well, when it’s in private.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN