Sofia Andres apologizes for her behavior towards entertainment bloggers

IMAGE Noel Orsal

Hindi nagustuhan ng ilang entertainment bloggers ang isang tweet ni Sofia Andres kung saan sinabi niyang, "Too tired to be too nice." Binalikan nila ang baguhang aktres dahil kahit kailan naman daw ay hindi ito naging "nice" sa kanila. 


Tinuligsa ng ilang entertainment bloggers ang baguhang aktres na si Sofia Andres dahil daw sa hindi nito magandang pakikitungo sa kanila.

Hindi naging maganda ang dating sa bloggers ang tweet ni Sofia noong February 18, kung saan inilagay niya ang mga salitang “too tired to be too nice.”

Ayon sa bloggers, kailan daw ba naging “nice” sa kanila ang ABS-CBN talent.

Base sa kanilang mga komento, madalas daw wala sa mood si Sofia tuwing ini-interview sa mga event na kinu-cover nila kung saan naroon ang young actress.

Palagi raw itong nakatingin sa kanyang cell phone at parang wala sa interview ang focus.

Minsan pa daw ay para raw itong nakaismid at nakairap sa kanila.

Napansin ito sa magkasunod na blogcon ng Mamas’Girl at sa finale presscon ng Pusong Ligaw.


(Sofia Andres during Mama's Girl presscon last January 6, 2018.)

SOFIA APOLOGIZES. Dahil sa batikos na kanyang natanggap, humingi ng paumanhin si Sofia sa entertainment bloggers sa pamamagitan ng Instagram Story kagabi, March 6.

Mensahe niya, “Hi everybody, I just want to say sorry, really sorry for those who think that I ignored them, disrespected them, and think I never wanted to say, ‘Hi,’ or acknowledge them whenever they see me.”

Kasunod nito, ipinaliwanag niya ang diumano’y takot na nararamdaman sa kanyang puso.

Aniya, “To tell you honestly… I have this fear. Fear of rejection.

“I know it’s just simple to say, ‘Hi and hello,’ with a smile but I’m having a hard time to do that to some people I really don’t know.

“I am always scared they might just judge me or ignore me or say nothing at all.

“My defense mechanism is to always act like, ‘I am a strong woman and you can’t bring me down.’

“But the truth is I have no self-confidence, I have insecurities, yes I do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I always feel like I’m never enough.

“Believe it or not, I have been rejected so many times.

"Seriously, when I don’t smile, I have this bitch face, like a strong face.

“I feel like whenever I see people around they’re saying bad things at the back of their heads.

 "I feel pressured, I feel like they don’t even want me at all.

“I don’t know how I will approach them properly.

“'Do they even want me to be with them?'

“Or, 'Do they do want me to say hi?'

“Those are my questions to myself.

“I am really sorry. I am working on my personal relationship for such a long time.

"And again, I just wanna say sorry. I’m really, really sorry."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN