Donnie Geisler takes brother-in-law's side on latest incident involving Baron

IMAGE Mark Atienza

Following Baron Geisler's (in photo) arrest, his brother Donnie Geisler posted on Facebook: "We're hoping he would surrender and accept that he has a serious problem and also we want what's best for him."


Humingi ng paumanhin ang nakatatandang kapatid ni Baron Geisler na si Donnie Geisler sa anumang abalang ginawa ng aktor.

Sa pamamagitan ng Facebook post ngayong Miyerkules, March 7, ipinaliwanag ni Donnie ang naging aksiyon ng bayaw niyang si Michael Robin Morales laban kay Baron nitong nakaraang weekend.

Si Michael ang asawa ng kapatid nina Donnie at Baron na si Grace Gail Geisler Morales.

“My brother in law Mike did what he had to do to protect his family,” sabi ni Donnie sa kanyang post.

Noong Sabado, March 3, nag-post ng Facebook live video si Baron, na duguan at may pasa ang mukha, upang ipaalam ang diumano'y pambubugbog sa kanya ni Michael.

Inamin naman ito ni Michael sa hiwalay na Facebook live video na ipinost niya sa parehong araw.

Depensa niya, labis siyang nagalit dahil sa mga sinabi ni Baron sa kanyang anak na babae.

Ani Michael, "Kaya ako, nabuhos na yung galit ko. Hindi ko na ma-take.

"As a father, siyempre, ayokong ginaganyan ang anak ko. Parang nababastos.” 

Dagdag pa niya, "I went to the house, ang dami niyang sinasabi, sa sobrang galit ko, nanghahamon siya.

"What I did, he asked for it, he got it. That’s simple. ‘Yon ang gusto niya.

"Ilang times na gigisingin niya kami sa gabi, kaya he deserved what he did, and he’s trying to twist the story.”


Stories We Are Tracking

Baron Geisler claims he got beaten up by his brother-in law
Baron Geisler claims he got beaten up by his brother-in law
Baron's brother-in-law: 'You deserve every punch I gave you'
Baron's brother-in-law: 'You deserve every punch I gave you'

DONNIE TAKES MIKE'S SIDE. Sa Facebook post ni Donnie, pinatotohanan niya ang paliwanag ni Mike tungkol sa madalas na panggugulo sa kanila ni Baron.

Aniya, “Mike loves and takes care of Baron like a brother ever since he met my sister Grace.

“When Mom had Cancer they decided to get a house wherein they could be close by to help take care of Mom.

“Mom died last year January 2017 and Baron took over the house so they are literally neighbors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baron has been a burden to Mike and my sisters family most especially when he’s intoxicated.”

Nabanggit din niyang hindi lang naman ngayon nangyari ang mga pang-aabalang ginawa ni Baron.

Ani Donnie, “With regards to Baron, the family has been experiencing difficulties, pain and distress on his behavior and alcohol problem for many years now.

“Since our Mom’s passing last year he’s been very depressed and adjusting has been hard for him w/c made the situation excruciating for everyone especially when he’s intoxicated.

“Many times he got involved in many problems and at one point I had to bail him out of jail.”

Noong nabubuhay pa raw ang kanilang ina, ilang beses na itong naghanap ng paraan para matulungan ang anak.

“Our Mother got him help numerous times in the past like rehabilitation and meetings with psychologists but with no success because he takes the treatment lightly,” sabi ni Donnie.

Sa kabila nito, patuloy pa ring umaasa si Donnie at kanilang pamilya na matulungan pa si Baron sa kanyang sitwasyon ngayon.

“Don’t get me wrong, but we the family love Baron and this has been the sad reality of what our family has been experiencing and it is hard to make anyone comprehend and I wouldn’t want anybody else to experience it.

“We’re hoping this time would be a good opportunity to get him the help he really needs and we’re hoping he would surrender and accept that he has a serious problem and also we want what’s best for him.

“Rest assured that the family is doing its best to find the best solution to resolve the matter privately. I am hoping for your understanding and prayers.”

ONE CONDITION. Dahil sa kanyang ginawang pambubulabog noong nakaraang weekend, inaresto ng Angeles City Police si Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyan siyang nakakulong sa Angeles City Police Station 3 sa Pampanga dahil sa reklamong grave threats, alarms and scandals, at illegal possession of deadly weapons.

Sa panayam ng GMA News kay Michael, sinabi nito ang kondisyon para iurong ang kaso laban sa kanyang bayaw.

Pahayag ni Michael, “I'm sorry, Baron, gusto kong matapos na 'tong lahat. We want to help for you.

"Iuurong ko yung kasong 'to, pero yung conditions naming family, pati ng mga kapatid niya, is to bring him to rehab."


Stories We Are Tracking

Baron arrested after running amok at brother-in-law's house
Baron arrested after running amok at brother-in-law's house


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN