Angeline Quinto insists she has no "dark secrets" to tell

IMAGE Noel Orsal

Angeline Quinto says she has no "dark secrets" to tell: "Wala naman po akong dapat sabihin sa mga tao. Kung may dapat pong malaman ang mga tao sa akin, bago pa po ako nanalo ginawa ko na... dapat sinabi ko na kung meron man akong dapat aminin."


Matagal nang kinukuwestiyon ang diumano’y gender preference ni Angeline Quinto, na ayon sa sabi-sabi ay isang lesbian.

Maraming beses na itong itinanggi ng ASAP singer, pero ayaw mawala ang sitsit na ito tungkol sa kanya.

Nagkataong plano rin pala si Angeline na maglabas ng libro tungkol sa kanyang buhay.

Tulad ba ito ng libro ni Mark Bautista kung saan isiniwalat ng singer-actor ang pagiging bisexual niya?

Tugon ni Angeline, “Hindi naman po.

"Kung maglalabas ako ng libro, hindi naman yung katulad nung kay Mark. 

“Actually, nagpaplano ako ng ganyan pero… yung sa buhay ko.

“Inspirational sa mga tao at about sa trabaho ko rin.”

Walang alam si Angeline sa nilalaman ng libro ni mark, na ayon sa iba ay "dark secrets" daw nito.

Reaksiyon ng Kapamilya singer, “Yun ba yung sa kanya? Dark secrets?

"Basta si Kuya Mark, nakasama ko sa Star For A Night

“Hindi ko siya naabutan sa ASAP, iba kasi yung grupo nila nina Rachelle Ann Go at ni Sarah [Geronimo].”

Pare-parehong naging grand finalists sina Angeline, Mark, at Sarah sa Star For A Night (2002-2003), ang dating singing search ng Viva na hinost ni Regine Velasquez at ipinalabas sa IBC-13.

NO BOYFRIEND? Ayon pa kay Angeline, may mga nagtatanong sa kanya kung darating ang time na mag-a-out siya katulad ng dating si Charice Pempengco, na Jake Zyrus na ngayon at lantad na transman.

Aniya, “Never pong mangyayari yun kasi wala naman po akong dapat sabihin sa mga tao.

“Unang-una, kung may dapat pong malaman ang mga tao sa akin, bago pa po ako nanalo, ginawa ko na.

“Yun po ang sinasabi ko na dapat sinabi ko na kung meron man akong dapat aminin.”

Ang tinutukoy ni Angeline ay ang pagkapanalo niya sa singing search ng ABS-CBN na Star Power: Sharon's Search For the Next Female Superstar noong 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa ipinupunto ng tsismis kay Angeline ay wala pa raw itong ipinakikilalang boyfriend mula nang pumasok siya ng showbiz.

Nagkaroon ng balita tungkol sa pagiging malapit nila sa isa’t isa ni Coco Martin, pero hindi ito nakumpirma. 

Nagkaroon rin din ng pagkakataong nagkadebelopan sila ni Erik Santos, pero hindi rin ito nauwi sa love life.

“Honestly, yung sa amin ni Coco, kasi nagkaroon naman kami ng movie noon,” paglilinaw ni Angeline, na ang tinutukoy ay ang pelikulang Born To Love (2012).

“’Tapos yung sa amin ni Erik, nag-start lang naman 'yan nung naging singing partner ko siya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline sa media conference ng Cornerstone Entertainment Inc. para sa mga contract artist nila.

Ibinalita ni Angeline na may ginagawa siyang pelikula sa ngayon at available na ang kanyang album sa digital market.

Ang media con ay para rin i-announce ang Divas Live II, ang part two ng concert nina Yeng Constantino, Kyla, at KZ Tandingan.

Gaganapin ang concert sa The Big Dome sa November.

UNCONCERNED. Naiirita ba si Angeline sa walang kamatayang pagdududa sa kanyang gender preference?

“Hindi naman po,” tugon agad ng 28-year-old singer-actress.

“Handa naman po akong sumagot sa lahat. 

“Kumbaga, parte ng trabaho yun, e.

"Ang mga issues naman, never naman po yang mahihinto.

“Hangga’t may mga tao sa paligid mo na gustong malaman kung ano ang totoo…

“Kung ano ang meron sa ‘yo ngayon, kung ano meron sa ‘yo noon.

“For as long as nagagawa ko naman nang maayos ang trabaho ko, ready ko namang sagutin lahat."

Kailan siya mapapagod at mapipikon sa ganitong tismis tungkol sa kanya?

Sagot ni Angeline, “Alam ko sarili ko na never 'yan mangyayari.

“Siguro, hindi mapapagod, pero maiinis kung sa about sa family ko yun. 

“Pero hangga’t tungkol sa akin ready po ako sa lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN