Comedy King Dolphy's son Dino Quizon dies at 45

IMAGE Courtesy: @ziaquizon on Instagram

Naghayag ng kalungkutan sa Instagram sina Zia at Nicole Quizon (kanan) sa pagpanaw ng kanilang kapatid sa ama na si Geraldino 'Dino' Quizon.


Pumanaw na si Geraldino 'Dino' Quizon, anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Si Dino ay namatay sa edad na 45.

Siya ay pangatlo sa apat na anak ni Dolphy sa dating aktres na si Gloria Smith.

Ang Comedy King ay may 26 na anak sa anim na babae.

Sa pamamagitan ng Instagram kahapon, March 6, ibinahagi ng mga kapatid sa ama ni Dino na sina Zia at Nicole Quizon ang kalungkutan sa pagpanaw ng kanilang tiyuhin.

Sina Zia at Nicole ay mga anak ni Dolphy sa Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla.

Mensahe ni Zia, “Goodbye, Kuya Dino. I still can't believe you're gone. You were still so young and had so much living left to do.

"And you were so full of life. And love. And laughter. I hope you find peace. I hope you and Papa find solace in each other's arms.

"We know you missed him dearly. And now we'll all miss you. 

“Naalala ko nung pauwi ka na ng States. Nung nailibing na natin si Papa. Na napanaginipan mo siya. Nakaupo sa silya niya. Sa tabi mo kung saan ka natutulog noon.

"Na parang andun pa siya. Na parang totoo. Ibinilin mo sa akin na ingatan ko ang silyang yun. Andito pa siya sa akin. Na sa may bintana.

"Minsan nga, dun tumutungtong ang aso ko. Hinihintay akong umuwi. Nag-aabang. Ngayon, mag-aabang na din ako dito. Na mapanaginipan din kita.

"Na makapagpaalam ng maayos. Na makita ka muli. O magising man sana. Kasi parang hindi totoo."

Goodbye, Kuya Dino. I still can't believe you're gone. You were still so young and had so much living left to do. And you were so full of life. And love. And laughter. I hope you find peace. I hope you and Papa find solace in each other's arms. We know you missed him dearly. And now we'll all miss you. Naalala ko nung pauwi ka na ng States. Nung nailibing na natin si Papa. Na napanaginipan mo siya. Nakaupo sa silya niya. Sa tabi mo kung saan ka natutulog noon. Na parang andun pa siya. Na parang totoo. Ibinilin mo saakin na ingatan ko ang silyang yun. Andito pa siya saakin. Na sa may bintana. Minsan nga, dun tumutungtong ang aso ko. Hinihintay akong umuwi. Nagaabang. Ngayon, magaabang na din ako dito. Na mapanaginipan din kita. Na makapagpaalam ng maayos. Na makita ka muli. O magising man sana. Kasi parang hindi totoo.

A post shared by ziaquizon (@ziaquizon) on

Sabi naman ni Nicole, “I can’t believe that the last time I saw you may jawline pa ako.

"And I can’t believe that would be the very last time.

"Will always miss you, Kuya Dino. Our sibling barangay will be a little less crazy and a little less funny without you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Rest in Power.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN