Piolo Pascual on hugging photo with Shaina Magdayao in Berlin: "Malamig, e."

IMAGE Noel Mangalonzo

Piolo Pascual on son Iñigo: "What really makes me happy is when I get compliments from people saying he's a good kid, marespeto, mabait na bata—music to my ears."


Marami ang kinilig at natuwa sa kumalat na larawan nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao na kuha sa red carpet ng 68th Berlin Film Festival 2018.

Magkasama ang dalawa bilang representative para ng pelikulang Ang Panahon ng Halimaw, na idinirek ng batikang direktor na si Direk Lav Diaz.


Stories We Are Tracking

Piolo, Shaina attend Berlin film fest for Panahon ng Halimaw
Piolo, Shaina attend Berlin film fest for Panahon ng Halimaw

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Piolo sa Star Magic Coffeetable Book launch noong March 4, sa 9501 restaurant ng ABS CBN, pabiro ang naging sagot niya nang tanungin tungkol sa litrato nila ni Shaina.

“Malamig, e,” sambit niya.

Pero seryosong dagdag ng Kapamilya heartthrob, “We’ve always been close naman, Shaina and I.

“It’s our first time to experience a festival internationally.

“Maganda, maganda yung experience namin.

“We had some down time, we had some alone time.

“Nakakatuwa, at least we got some time off.”

Ayon pa kay Piolo, hindi madaling gawin ang pelikulang Ang Panahon ng Halimaw, pero naging magaan daw ito dahil kasama niya rito si Shaina.

Lahad niya, “Masaya kasi para lang kaming naglalaro.

“Pagka there’s so much pressure, ‘tapos we have to sing a cappella, the whole movie was a cappella, so nakaka-pressure.

“Pero natutuwa kami kasi magkasama kami sa  Berlin.”

Malaking karangalan daw para sa kanila na sila ang mag-represent ng Pilipinas sa Berlin filmfest dahil sa pelikulang ito.

Pahayag ni Piolo, “It was, of course, another honor to represent the country through major festival.

“We’re the only representative from the Philippines that competed for the main competition.

“Nakakatuwa when they are watching a Lav Diaz film, it will really take a while, but nobody stood up and it was well-applauded.

“Nakakatuwa lang, ang sarap makita na yung mga ibang tao talaga ang nakaka-appreciate ng ginagawa natin, especially for Lav Diaz, talagang rock star siya sa Berlin.”

Kilala ang mga pelikula ni Lav dahil sa mahabang screening time nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON IÑIGO. Maganda ang itinatakbo ng career ngayon ng anak ni Piolo na si Iñigo Pascual.

Kaugnay nito, masayang-masaya si Piolo na unti-unti nang nakakagawa ng sariling pangalan ang anak sa industriya.

“I’m just really happy na nakikita ko siya na naggu-grow as a performer, and I always encourage him to continue his studies.

“He never stop learning, kahit puyat ‘yan, nakikita ko na nagpupunta sa trabaho on time.

“And what really makes me happy is when I get compliments from people saying he’s a good kid, marespeto, mabait na bata—music to my ears.

“Plus, bonus pa yung nakikita ko siya trabaho, magkasama kami.

“So, hindi ko na kailangang mag-allot ng time, kasi we got to spend time together at work.

“Like, kanina, before coming here, sabay kaming kumain.

“Last night, nauna lang siyang natulog sa akin, nauna siyang umalis sa bahay, kasi maaga ang call time niya.

“Yung mga ganung bagay, ipinagpapasalamat ko na we’re on the same field, at the same time walang competition.”

Sa isang panayam kay Iñigo, nabanggit nitong dumating sa puntong may ilang nagpayo sa kanyang bumalik na lang sa Amerika dahil walang mangyayari sa career nito.

Tinanong ng PEP.ph si Piolo kung ano ang ipinayo niya sa anak noong mga panahong iyon.

“Sabi ko sa kanya, ‘That’s how it is, mahirap kung instant sensation ka.

“‘You really have to work your way up, work hard, because otherwise, hindi mo maa-appreciate kung anuman ang blessings sa buhay mo.

“‘Mas maganda yung ganun na slowly but surely, you got to really know yourself better as a performer, you know your niche as you go along, kesa instant sensation ka, ‘tapos mawawala agad.’”

Sabi pa ni Piolo tungkol kay Iñigo, “Maganda rin kasi on his own, he started young, makikita mo talaga na naggu-grow siya, mas marami pa siyang nakikita na puwede niyang gawin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Piolo sa balitang pagkakamabutihan ng kanyang anak at ng young actress-singer na si Maris Racal.

Sabi niya, “Ang sa akin, hindi ako stage father, as long as I know they like each other, they are honest with each other, and they are enjoying each other’s company, labas na ako dun.

“Lalaki naman ang anak ko.

“Ang sinasabi ko lang sa kanya, ‘Pag ikaw manliligaw, don’t give false hope, make sure na sincere kayo sa isa’t isa.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN