Devon Seron bids goodbye to ABS-CBN; moves to GMA Network

IMAGE Instagram

Former Pinoy Big Brother housemate Devon Seron transfers to GMA Network. Right photo shows Devon with Pancho Magno in a trailer of the Kapuso prime time series The One That Got Away. 


Kumpirmado ang paglipat ng young actress na si Devon Seron sa GMA Network.

Ikinagulat ng ilang manonood nang makita si Devon sa trailer ng isang recent episode ng Kapuso prime time series na The One That Got Away.

Tanong nila, umalis na ba sa bakuran ng ABS-CBN ang 24-anyos na aktres mula sa Cebu?

Kinumpirma naman ng Star Magic, talent management arm ng ABS-CBN, ang paglipat ni Devon nang makipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) dito ngayong Miyerkules, March 7.

February 16 daw nang magsabi si Devon para magpaalam sa kanila.

Unang nakilala si Devon nang maging 4th placer sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010, kung saan naging Big Winner si James Reid.

Naging katambal din niya si James sa ABS-CBN youth-oriented show na Good Vibes noong 2011.

Ilan pa sa Kapamilya TV projects na ginawa ni Devon ay ang Angelito: Batang Ama (2011), Angelito: Ang Bagong Yugto (2012), Maria Mercedes (2013), Moon of Desire (2014), Forevermore (2014), at Be My Lady (2016).

Huli naman siyang napanood sa pelikulang You With Me (2017), kung saan nakapareha niya ang Korean actors na sina Hyun Woo at Jin Ju Hyeong.

Inaalam pa ng PEP.ph kung magiging mainstay na ba si Devon sa The One That Got Away o kung pipirma na siya ng exclusive contract sa Kapuso network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN