Veteran actor Bernardo Bernardo dies at 73

IMAGE Noel Orsal

Veteran stage and movie actor Bernardo Bernardo passed away this Thursday morning, March 8.


Pumanaw na ang beteranong stage-movie actor na si Bernardo Bernardo.

Sa pamamagitan ng Facebook, ipinaalam ng pamangkin ni Bernardo na si Susan Vecina Santos ang pagpanaw ng aktor ngayong Huwebes ng umaga, Marso 8.

Si Bernardo ay nagdiwang ng kanyang ika-73 kaarawan noong Enero.

Noon ding Enero, hiniling ni Bernardo sa kanyang mga kaibigang ipagdasal siya dahil sa natuklasang tumor sa pancreas.

Bunsod nito, nagsagawa ng fundraising ang kanyang mga kaibigan upang makatulong sa medical expenses ng maysakit na aktor.

Bilang isang aktor, hindi malilimutan ang naging pagganap ni Bernardo sa 1980 film na City After Dark na nagpanalo sa kanya bilang Best Actor sa Gawad Urian.

Sa TV naman, tumatak sa mga manonood ang kanyang role bilang Steve Carpio sa ABS-CBN sitcom na Home Along Da Riles, na umere mula 1992 hanggang 2003 at pinagbidahan ng yumao na ring Comedy King na si Dolphy.

Huling napanood si Bernardo sa 2017 Metro Manila Film Festival official entry na Ang Larawan.


Stories We Are Tracking

Bernardo Bernardo diagnosed with pancreatic tumor
Bernardo Bernardo diagnosed with pancreatic tumor


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN