Geoff Eigenmann assures girlfriend Maya: "I'm hers and no one else's."

IMAGE Noel Orsal

Geoff Eigenmann says that while he and girlfriend Maya are not getting married anytime soon, she can be assured of his loyalty. The couple have a five-month-old daughter. Geoff told PEP, "Hindi pa naman priority pero napag-usapan na namin. Siyempre ako, gusto kong mapatunayan din sa lahat ng mga tao and siyempre, through Maya na I'm hers and no one else's." 


Matagal-tagal ding hindi napanood sa telebisyon ang aktor na si Geoff Eigenmann.

Huli siyang napanood sa La Luna Sangre last year noong nasa bakuran pa siya ng ABS-CBN.

Disyrembre 2017 nang muling magbalik si Geoff Eigenmann sa Kapuso network, at ang una niyang major project ay ang bagong afternoon drama series na Contessa.

Ito rin ang comeback show niya mula nang maging ama na siya.

Five months old na ang anak nila ng kanyang girlfriend, ang singer na si Maya.

Exclusively breastfed daw ang kanilang baby girl kaya mahirap pa para kay Maya ang makabalik agad sa pagkanta.

Kuwento ni Geoff, “Sa ngayon, kuntento kami na ako lang ang may ginagawa ngayon.

“Our baby kasi is pure breastfed, so mahirap.

“Very picky siya, kahit sa bottle feeding ayaw niya.

“Kahit breast milk ng mom niya [in a bottle], ayaw niya.

“Gusto niya yung straight from the breast.

"Medyo mahirap pero more sacrifices I suppose a little longer then [Maya] can go back."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Geoff sa presscon ng Contessa sa 17th Floor ng GMA Network Center.

Ang Contessa ay ipalalabas simula sa March 19 at papalit sa maiiwang timeslot ng Ika-6 Na Utos.

GEOFF AS A DAD. Aminado si Geoff na marami ang nagbago sa kanya mula nang maging daddy na siya.

“Sobrang maraming nagbago,” pakli niya.

“I’m not the same Geoff when I was six months ago.

“Sobrang iba talaga. Everything is really changing.

"I am more inspired, even in my outlook in life.

“How I see things and how I react to things, more understanding with people and everything that is happening.”

Pagdating sa outlook sa buhay, paano niya nasabing nag-iba na siya?

“I guess I am more conscious on what’s happening around me, the people around me.

“Instead of reacting to why people are, I try to understand why they’re acting that way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang these last six months, ang dami kong natutunan talaga.”

Sa ngayon, hindi pa naman daw nila prayoridad ang magpakasal.

Ayon kay Geoff, “Like I said, hindi pa naman priority, pero napag-usapan na namin.

“Siyempre ako, gusto kong mapatunayan din sa lahat ng mga tao and siyempre, through Maya, na I’m hers and no one else's.

“Siguro, punctuation talaga, yun ang seal na legit talaga.”

May naiisip na ba nilang date para sa kanilang kasal?

“No particular date so far, pero ano naman, for sure when I propose, people will find out.”

Hindi pa rin daw nila minamadali na mapabinyagan ang anak. Posible raw na bago ito mag-first birthday o sa mismong first birthday na.

WORKING WITH GABBY. Sa pagbabalik niya sa GMA-7 sa pamamagitan ng Contessa, ngayon pa lang daw sila magkakatrabaho ng pinsan niyang si Gabby Eigenmann.

Si Geoff ay anak nina Michael de Mesa at Gina Alajar.

Habang si Gabby ay anak ng yumaong kapatid ni Michael na si Mark Gil sa aktres na si Irene Celebre.

Sabi ni Geoff, “First time pa lang namin to work with each other.

“Ever since, talagang first time talaga.

“Actually, pareho nga rin ang nangyari sa amin ni Glaiza [de Castro] na he called me up to tell me na magkasama kami sa show.

“Siguro mga two or three days before his storycon, ginawa niya rin yun.”

Sa mga nakaraang taping nila, wala pa silang eksenang magkasama ni Gabby.

“Actually, once pa lang, pero wala pang interaction talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN